Ako'y Maghihintay Kailanman

Ako'y Maghihintay Kailanman

A Poem by Darkyshadow

Sa tuwing nagugunita ka aking sinta
At aking sinasariwa masasayang ala-ala
Nang mga panahong ika'y kapiling pa
Kakaibang damdamin aking nadarama

Sa mga sandaling tayo'y magkapiling
Tila ang langit ay aking narating
Kislap ng iyong mata'y lubhang maningning
Animo'y mga hiyas na mga bituin

Dahil sa pag-ibig mo ako'y naging maligaya
Mundo ko'y napuno ng pag-asa
Sa paghihirap hinango mo ako sa dusa
Kapag kapiling ka wala ng hahanapin pa

Bakit sinta iniwan mong nag-iisa
Ngayon ako'y nahihirapan pagkat wala ka na
Tanging pagluha ang aking ginagawa
Dahil sa labis na pighati at pangungulila

Bakit ba kailangan pang lumisan?
At sa mundo ako'y iwanan
Hindi mo ba naisip baka hindi ko makayanan
At tanging kamatayan ang sumagi sa isipan

Kahit nasaan ka man ngayon
Asahan mo pag-ibig ko'y naroroon
Masayang ala-ala ang aking pabaon
Hindi mawawala lumipas man ang panahon.


© 2017 Darkyshadow



My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

well-penned. I can feel the hurt in those lines. you're telling a story in a poetic way.

Posted 2 Weeks Ago



Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

43 Views
1 Review
Added on September 27, 2017
Last Updated on September 27, 2017

Author

Darkyshadow
Darkyshadow

Tanauan City, Batangas, Region 4-A, Philippines



About
I don't think about what I can't do. I just do what I can and enjoy life. Hey everyone! Welcome to my profile. I love to read and write anything. Just enjoying myself here on Earth before I pass away... more..

Writing