hanggang sa muli

hanggang sa muli

A Poem by genalyn caguimbal
"

Salamat

"
Pansamantala mong pinawi ang pait.
Pinalitan ng kilig ang sakit.
Pansamantalang nalimot ang bigat sa dibdib.
Ang iyong pagdating ngiti ang naging hatid.

Buhay ko ngayon ay magulo.
Puso ko'y litong lito.
May mga sirang pilit binubuo.
Madalas sa gabi luha'y tumutulo.

Sa kasalukuyan ako pa rin ay nagmamahal.
Nagmmahal pa rin kahit nasasaktan.
Ang puso ko ngayo'y kritikal ang kalagayan.
Kapag nag-iisa madalas luhaan.

Hanggang ikaw ay dumating.
Sandaling inilawan ang dilim.
Hinawi mong saglit ang kulimlim.
Kaagad ang mata'y nabigyan ng ningning.

Salamat sa kaunting oras mo.
Salamat sa ngiting dala mo.
Salamat sa munting regalo.
Salamat. Salamat sa iyo.
Hanggang sa muli nating pagtatagpo.
At sana sa panahong 'yon buo na ako.

-genalyn caguimbal-

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

105 Views
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing