sandali lamang

sandali lamang

A Poem by genalyn caguimbal

Damhin mo ang puso kong nagmamahal.
Damhin mo ang puso kong nasasaktan.
Damhin mo. Damhin mo. Oh damhin mo ng maunawaan mo ang aking nararamdaman
Ng malaman mo kung gaano kita kamahal
Ng malaman mo kung gaano rin ako nasasaktan.
Nasasaktan ng dahil sa pagmamahal.
Pagmamahal na hindi naman magtatagal.
Magtatagal ngunit sandali lamang.
Sandali lamang kasi ikaw din naman ay lilisan.
Lilisan at ako'y iyong iiwan.
Iiwang nag-iisa at luhaan.
Luhaang aalalahanin na lamang ang nakaraan.
Nakaraang kay saya at puno ng tawanan.
Tawanang sa huli ay magiging iyakan.
Iyakan na dulot ng sobrang sakit na pagpapaalam.
Pagpapaalam na hindi ko alam kung aking makakayanan.
Dahil ikaw lang ang nag-iisang mahal.
Mahal na hindi ko kayang pakawalan.
Ngunit kailangan.
Kailangan.
Kahit sobra akong nasasaktan.

Kaya ngayon ikaw at ako ay malaya na.


-genalyn caguimbal

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

95 Views
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing