pagsubok

pagsubok

A Poem by genalyn caguimbal

Isip mo'y lumilipad sa gitna ng karagatan
Puso mo'y lumalangoy sa taas ng kalawakan
Wala ngayon sa sarili at tila ba naglalakbay
Ikaw ngayo'y umiiyak, walang luhang pumapatak.

Anong sakit ng dumating ngunit iyong nalampasan
Anong hapdi nitong sugat na ngayo'y dinaramdam
Mas makirot na darating, dapat mo nang paghandaan
Kaya ngayo'y pinapanday, sinusunog, sinasaktan.

Ika'y ginto ang kapara habang ika'y nasa lupa.
Perlas ang s'yang katulad mo 'pag sa dagat ay bumaba.
Isang talang nagniningning kung sa langit aakyat ka.
Ngunit bago mangyari yon, maghihirap, magdurusa.

Hindi nauubos naglipana na pagsubok.
Mga bato na pupukol, mga sibat na uulos.
Mga dawag na hahadlang at ang tinik na tutusok.
Tibayan lang ang 'yong paa nang Hindi ka malugamok.

-genalyn caguimbal

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

97 Views
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing