Nakabaong Pag-ibig (poem)

Nakabaong Pag-ibig (poem)

A Poem by Yassi Asher
"

Pag-ibig na sapilitang itinago at ibinaon sapagkat kailangan. Hindi naman sa bawal na pagmamahal pero sadyang wala sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Ang pag-ibig na ito ay ipinagmamalaki ng pat

"

Nakabaong Pag-ibig

ni Elai



Nakapikit ako habang nakatanaw

Nagugunita ko ang nagdaan nating mga araw

Alaala mo'y kaylanman ay 'di pumapanaw,

Isip kong tulog lagi mong pinupukaw.



Nakikita kong ika'y hindi ko na malilimutan,

Sisibol man ang pagtingin ko sa iba'y, puso ko parin sa'yo'y nakalaan 

Pag-ibig ko'y hindi mapaparam kahit humalik man ang araw sa dalampasigan

Tatanawin ka pa rin abutin man ng magdamagan.



Hilain man ang puso ko palayo sa piling mo 

Kahit anong iwas ng tadhana'y bumabalik sa'yo

Minsan pang nagbiro ang pana ni Kopido

Kahit lumihis ng takbo'y tumatagos pa rin sa puso.



At kung hindi man ikaw ang itinadhana

Hayaan mo sanang masilayan ka kahit sa tuwina

Hindi ko nanaisin na ikaw sa akin ay mahalina

Presensya mo lang sa araw-araw ay ayos na. 

© 2017 Yassi Asher


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

84 Views
Added on October 19, 2017
Last Updated on October 19, 2017
Tags: love

Author

Yassi Asher
Yassi Asher

Lapu-Lapu City, Region 7, Philippines



About
I am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..

Writing