Bagyo

Bagyo

A Poem by Gerica de la Cruz
"

A love poem

"

Noon, ang daan, tinatahak ko nang mag-isa,

sa paglalakad ko ay may pangamba

lalo na kapang ang bagyo sa nagbabadya

kahit payong ko pa ay aking dala

 

Pagkat ako'y may takot sa mga kidlat

at sa kulog namumutla na ang aking balat

Ang pagtakip sa tainga'y hindi sapat

kahit pa ang palad ko ang ilapat

 

Ngayon sa payong ko'y sumingit ka na

at ang balikat ko ay nababasa na

ang pangamba ko ay naglalaho na

sapagkat sa piling ko'y andyan ka na

 

Sa iyong pagdating na tila biglaan

nagkaroon ako ng brasong makakapitan

kahit alam kong ito ay kapayatan

sigurado ako sa aking kaligtasan

 

Ang pagmamahal mo sa akin ay sapat

hindi ko na kailangan pang isukat

kahit sumidhi pa ang hanging-habagat

panatag akong payong nati'y 'di aangat

 

Pagkat sa ilalim nitong payong

may magkasintahang bumubulong-bulong:

"kailanma'y 'di uurong at lagi tayong susulong

kasama ng pag-iibigan nating yumayabong."

 

Dahil pagkatapos ng tag-ulan

mamumulaklak na ang mga halaman

© 2014 Gerica de la Cruz


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

132 Views
Added on October 2, 2014
Last Updated on October 2, 2014
Tags: rain, storm, love, umbrella, couple

Author

Gerica de la Cruz
Gerica de la Cruz

Bacoor, CALABARZON, Philippines



About
Years from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..

Writing