PLAYING COURT

PLAYING COURT

A Poem by Jude-Cipher
"

A once sweet love went to cheating!

"

Playing Court

-Jude_Cipher-

Aanhin ko pa ang mga mata kong malabo na

Ni sa mga bagay na nasa harapan ko na’y

Diko parin makita

Di ko makitang nasa harapan kita

Habang may kasama kang iba

Talaga bang ako’y bulag?

O nagbubulag bulagan para lang manatili ka?


Aanhin ko pa ang bibig ko

Kung hindi naman nito nasasabi

Ang totoong sakit sa loob ko

Ang nagagawa lang nito ay

Ang ipagtanggol kita sa kanila

Kahit kitang kita na

Na ang ipinapagtanggol ko

Ay mali talaga

At tanging mabibigkas nito ay

“Okey lang!” pag nag so sorry ka!


At aanhin ko pa ang mga kamay ko?

Kung ito’y namamaga na sa kakakapit  

Sa mga kamay mong

Pinipilit akong bitawan

Para tuluyang mahulog at

Nang iyong mapalitan!


Aanhin  ko pa nga ba ang mga paa ko?

Kung ang mga ito’y nanghihina na

Dahil sa katatakbo patungo sayo

Habang ikaw nama’y

Palayo ng palayo


Aanhin ko pa ang isip ko

Kung puro kamangmangan ko lang

Ang pinapairal ko

Ano nga ba ang halaga nito

Kung puro ikaw lang ang

Nasa loob nito

Habang siya naman ang iniisip mo


Aanhin ko pa ba naman ang puso ko

Ang puso kung minsay patay na patay sayo

At araw araw,ito’y binubuhay mo

Para na kasi itong playing court,

Dati dito mo ako napanalonan

Dito rin tayo nagkasiyahan

Pero ngayon,may pinasali ka kasing iba eh

Dito nyo ako pinaglaruan

Dito niyo ako pinag isahan

Naglalaro ka nga  ba?

O nangdadaya ka?

Lumaban akong mag isa

Kahit walang kasiguraduhang

Mapanalohan ka

Kahit mga pandadaya niyoy

Diko na nasilayan at namalayan

Dahil ang galing niyo kasing maglaro

Pero pinilit parin kitang ipaglaban

Ngunit paano nga ba naman kita maipapanalo

Kung ikaw mismo tumutulong sa kanya

Na para ako’y matalo

Yun na nga dito mo ako isinuko

Dito ako nabobo

Pero alam mo?dito rin ako natoto!




© 2019 Jude-Cipher


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

76 Views
Added on March 5, 2019
Last Updated on March 5, 2019

Author

Jude-Cipher
Jude-Cipher

Philippines



About
Currently studying with Certificate in Computer Technology as my course.Born on August 2000 in Samar,Philippines.I love writing so much and I believe it is my voice and my feelings. more..

Writing