KAPATID

KAPATID

A Chapter by Margaux (Dhaye)
"

Paano?

"
Kapatid...
Malimit kong marinig sa iyong mga labi
Mga katagang naghahatid sa akin
Ng isanlibu't isang luwalhati
Sapat na sa tulad kong nag-iisa
Ulila at salat sa lahat ng bagay
Na ang tanging hangad lamang ay
Magkaroon ng kasangga.

Kasangga...
Iyan ang sinasabi mo sa akin
Kung bakit mayroon tayong kapatid
Upang sa bawat paglalakbay natin
Ay mayroon tayong matatakbuhan
Isang kakampi, isang karamay at
Matatawag na kapwa.

Kapwa...
Paulit-ulit mo itong sinasabi
Habang tinatapik mo ako sa balikat
Walang katumbas ang ligayang dulot
Sa bawat pagtapik
Sa bawat pagpapadama ng pagdamay.

Subalit bigla kang nagbago
At ang mga salitang itinuro mo sa akin
Ay hindi ko na maalala
Sa tuwing masisilayan ko
Ang kakaiba mong mga ngiti
Habang ang dati mong malumanay
At maingat na pananalita
Ay napalitan ng ingay
Ng tunog ng mga palamuting
Nakakabit sa iyong katawan
Ang mahinhin mong lakad
Ay napalitan na rin ng
Rumaragasa mong sasakyan.

Malayo na ang iyong narating...
Hindi lamang ang iyong diwa
Pati na ang iyong puso
At maging ang kaluluwa
Ay hindi ko  na maaninaw.

Ang iyong mga salitang dati
Ay tinitingala ko
Katulad ng mga bituin
Habang ang iyong pangalan
Ay maingat na isinulat ko
Sa isang pahina ng aking aklat
Katapat ang salitang
Una mong itinuro sa akin-
     Kapatid
Ano ba ang totoo?

Paano nga ba masusukat...
     ang pagmamahal
     ang pagdamay
     ang pag-iingat?
Sapat  na bang ipaliwanag,
Iparinig, ipaalala
      habang ang nakikinig
     ay patuloy na naguguluhan
     sa taliwas na nakikita?

Paano nga ba?




© 2014 Margaux (Dhaye)


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

227 Views
Added on May 20, 2014
Last Updated on May 20, 2014
Tags: kapatid, sister, brother, pamilya, family


Author

Margaux  (Dhaye)
Margaux (Dhaye)

Philippines



About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing
Walk Walk

A Poem by Margaux (Dhaye)