Alam Ko Na

Alam Ko Na

A Poem by Enknt


Sa bawat katanungang iyong pinupuna
'Sang hudyat ng aking 'di makatarungang kaba
Tungo sa tusong titig ng iyong mga mata
Sa 'king palagay, ako'y nabihag mo na
.
Ngunit sa paanong kalagayan ang saya
Kung sa 'ting pagsasama, ako'y talo na?
Ang simula ng mga pag-aalala
At pagsasakripisyo nitong dala
.
Marahil sa 'king kaibuturan ay tanggap ko na
Bagkus ako'y isa nanamang pamana
Ng isang panaginip na naantala
At katotohanang sa mundong ito'y nagkakasala
.
Subalit anong patunay ang makukuha
Sa munting pagaalinlangan at pagpapadala
Sa kinang ng iyong mga mata
At kalaliman ng iyong mga salita?
.
Sana'y ipagpatawad mo ang aking pagsinta
Siguro ako'y naiintindihan mo na
Mga pala isipang habag sa 'king pananalita
At karagdagang pangkaloobang pagkadismaya
.
Ngayon at alam ko na,
Ako'y lalayo nalamang ba?
Ito'y isang pagtatanggal ng maskara
Sapagkat ika'y napapanaginipan ko na...

© 2017 Enknt


Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

126 Views
Added on June 12, 2017
Last Updated on June 12, 2017
Tags: pagibig, philippines, love, tagalog, filipino

Author

Enknt
Enknt

Philippines



About
I'm a nineteen year-old lad who chose the path to a life of complex roads and myths. Yet, I have decided to breathe, and add a beating of my heart with everything I come to face. I run better when the.. more..

Writing
City Lights City Lights

A Poem by Enknt


Bokeh Bokeh

A Poem by Enknt


Escapade Escapade

A Poem by Enknt