Chapter 3: Memories

Chapter 3: Memories

A Chapter by rielovella
"

arron and selina remembering their exes.. :)) shortest chapter yet

"

“Hay! Kainis talaga si Angela! Sirain ba ang ilaw ng store.” Napabugtong hininga si Selina sa mga kalokohan ni Angela sa store. “Tuloy, pupunta nanaman ako kay Chun para ayusin iyon.”

Habang naglalakad, nadaanan ni Selina ang fountain. Ang fountain na iyon ay kung saan sila nagdate ni Lee Hom dati.

“Selina!” Sigaw ni Chun.

Napalingon si Selina sa kanyang likod at si Chun iyon.

“Chun!” Lumapit si Selina kay Chun.

“O bakit ka tulala?” Tanong ni Chun. Napatingin si Chun sa likod ni Selina at nakita  ang fountain. “Ah kaya naman pala. Hulaan ko, naalala mo si Lee Hom noh?”

Biglang natahimik si Selina.

“Hindi naman sa ganun.” Sagot ni Selina.

“Parehong-pareho kayo ni Arron kapag naalala naman niya si Guigui.”

“Ano ka ba?!” Tanggi ni Selina. “Kaya lang naman ako tulala kanina kasi sinira nanaman ni Angela ang ilaw sa store. Kaya tuloy… Kailangan ko uli magpatulong sa iyo.”

“Kaya ganyan si Angela kasi gusto lang ako makita nun.” Biro ni Chun.

“Kaw talaga.” Natawa si Selina sa sinabi ni Chun kasi parang si Arron kung magsalita. Napatingin siya sa labi ni Chun. Hinawakan ni Selina ang sugat ni Chun.

    18

“Aray ko!”

“Chun, ano nanaman ba iyang ginawa mo?” nag-aalala si Selina dahil may pagka-basagulero si Chun.

“Eh kasi kanina, may nakita akong matandang lalaki na pinagtutulungan ng isang grupo sa may kalsada kaya tinulungan ko yung matanda.”

“Hay naku! Kaw talaga! Alam ko naman na hindi masama ang pagtulong, pero isipin mo naman ang sarili mo. Kaya yan, may sugat ka tuloy.” Sinermonan niya si Chun. Si Chun naman ay tumango na lamang parang bata. Napatingin siya sa likod niya at nakita niya ang fountain. Naalala niya ung mga araw na kasama niya si Lee Hom at napabuntong hininga na lamang.

“Alika na nga bago ka pa umiyak dyan.”

“O sige.” Biglang naisip niya na inaasar nanaman siya ni Chun. “Ano ka ba? Hindi ako iiyak noh?” tanggi niya.

“Oo na… Oo na… Para namang aamin ka.” Napangiti si Chun. At pagkatapos ay umuwi na sila.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

 “Sorry sweetie kung maliit lang ang bahay namin ah. Basta kapag yumaman kami ay ipapaayos ko ang bahay namin at ikaw unang papasok kasama ko.” Bola ni Arron sa babaeng kasama niya.

“Talaga?”

“Oo naman… Para sa iyo sweetie. Pero may kapalit.”

“Kapalit?” tanong ng babae.

“Kiss mo muna ako dito.” Tinuro ni Arron ang kanyang pisngi.

    19

 “Ahem!” nagparinig si Chun sa dalawang makulit na bata sa bahay. Napalingon si Arron at ang babae kay Chun.

“O sige Arron, I have to go.” Ngumiti ang babae kay Arron.

“Sige ingat ka. I love you.” Malambing na sinabi ni Arron sa babae. Pagkatapos ay umalis na ang babae at pumasok si Chun at Selina.

“Ikaw talaga Chun. Makukuha ko na sana kiss niya kaso bigla ka ba namang… Hmph!” Napa-upo si Arron.

“Hay naku! Mr. Babaero, tigil-tigilan mo ang pagpapasok ng babae dito ah.” Lumapit si Chun kay Arron at ginulo ang buhok niya.

“Aiyo! Ginulo mo style ng buhok ko.” Humarap si Arron sa isang salamin at inayos ang buhok. Pagkatapos mag-ayos ng buhok ay napatingin si Arron sa mukha ni Chun at nakita ang sugat sa labi nya.

“Ano nanaman ang ginawa mo?”

“Eh kasi ganito yan. May nakita akong matanda na pinagtutulungan ng isang grupo kaya tinulungan ko.” Sinabi ni Chun habang naghahanap ng bulak at alcohol si Selina.

“Ayun!” Kinuha ni Selina ang bulak at alcohol at ibinigay kay Chun. Nilagyan ng konting alcohol ang bulak at idinampi sa kanyang sugat.

“Aray ko!”

“Ako na nga maggagamot sa iyo.” Lumapit si Selina kay Chun at umupo sa kanyang tabi. Kinuha ang bulak at siya ang naglagay ng alcohol sa sugat.  Napatitig siya sa mata ni Chun.

 

    20

Selina’s POV

Kung si Chun na lang sana ako nagkagusto ay dapat hindi na ako nasasaktan ng ganito.

End of POV

“Huy Selina!” Pinitik ni Chun ang noo ni Selina.

“Aray ko! Ano ba?” Hinimas ni Selina ang kanyang noo.

“Kanina ka pa kasi tulala eh. Ano ba naman ang nasa isip mo?”

Ngumiti si Selina at sinabi “Hindi ko na lang sasabihin.”

Ngumiti na lang si Chun at ipinagpatuloy ni Selina ang ginagawa niya kanina.

“Aray ko.”

“Kaw kasi eh. Sa susunod nga wag ka nang susugod hah?”

“Oo na po Madam.” Napangiti si Chun.

    21



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

287 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella