Chapter 4: Who is him?

Chapter 4: Who is him?

A Chapter by rielovella
"

who is the mysterious guy that came to chun's working place???

"

Kinabukasan, maaga pumasok si Chun sa trabaho. Pagpasok niya ay sinalubong siya ni Arron.

“Chun, may naghahanap sa iyo.”

“Sino naman?” tanong ni Chun.

“Ah basta,” Napatingin siya sa isang kwarto. “Mukhang mayaman eh.”

Nagtaka si Chun sa sinabi ni Arron kaya agad siya pumunta sa kwarto kung nasaan ang isang lalaki.

“Sino kaya yun?” bulong ni Chun sa kanyang sarili. Pagkabukas niya ng pintuan ay may nakita siyang lalaki na nakatalikod.

“Uhmm… Sir, hinahanap niyo daw po ako.” Sabi ni Chun.

Pagkasalita ni Chun ay humarap ang lalaki at ang laking gulat ni Chun na ay yung lalaking iyon ay ang niligtas niya kagabi.

“Oo, ikaw nga.” Natuwa si Mr. Chen at nahanap niya ang taong nagligtas sa kanya.

“Huh?” taka ni Chun at hinanap pa siya. “Kayo po? Bakit po kayo nandito?”

“Ah… Andito ako para magpasalamat sa pagligtas mo sa akin kahapon. Ako nga pala si Mr. Chen.” Nagpakilala na si Mr. Chen kay Chun.

“Ako naman po si Chun. Ah wala po iyon, mabuti na rin po ang tumulong.” Ngumiti si Chun.

Napatingin si Mr. Chen sa paligid ng pinagtatrabahuan ni Chun at

    22

 

nakita niya gaano kahirap ang mga taong nasa paligid.

“May gusto akong alukin sa iyo.” Sabi ni Mr. Chen.

 “Ano po?”

“Pwede ka bang maging bodyguard ng aking anak?”

Nagtaka si Chun sa sinabi ni Mr. Chen. “Bakit po ako?”

“Kasi napansin ko kung gaano ka kalakas kahapon noong kinalaban mo ang Black Fire.”

“Black Fire? Ano po iyon?”

“Ah basta sasabihin ko sa tamang panahon.”

“Ah ganoon po ba. Pero… eto na po kasi trabaho ko po eh.”

Habang nag-uusap silang dalawa ay may biglang sumigaw. “Huy Chun! Tanggapin mo na iyan! Pera din yan!” Sigaw ni Arron.

Tumakbo si Chun kay Arron at tinakpan ang bibig ni Arron.

“Huy! Kaw talaga Arron.” Binulong ni Chun kay Arron. Napangiti si Chun sa kahihiyan na ginawa ni Arron.

“Sorry po kung masyado po siyang MAINGAY.”diniinan ni Chun ang pagkasabi niya ng maingay. “Pero, tinatanggap ko po ang inaalok niyo po.”

“Mabuti!” Lumapit si Mr. Chen kay Chun at binitawan ni Chun si Arron. “Alika na at pupunta tayo sa bahay namin para ipakilala ang aking anak.” Ngiti ni Mr. Chen.

“Pero paano po yung trabaho ko?”

23

“Huwag kang mag-aalala. Nagpaalam na ako sa iyong boss.” Ngiti ni Mr. Chen. “Alika na.”

Umalis si Mr. Chen at sinundan ni Chun pero bago siya umalis ay lumapit siya kay Arron.

“O sige, mauuna na muna ako.” Sabi ni Chun.

“Oo na. Sige, uy balitaan mo ako kung maganda ang babantayan mo ah.” Napangiti si Arron.

“Kaw talaga.” Ginulo ni Chun ang buhok ni Arron at umalis na.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Pagkatapos ng ilang minute, narrating na nila ang bahay ni Mr. Chen. Namanga si Chun sa laki ng bahay nila Mr. Chen dahil mala-palasyo ang itsura ng bahay ng kanyang tinulungan.

“Alika.” Pumasok sa bahay si Mr. Chen at sumunod si Chun. Pagkabukas ng pintuan ay nakita niya kung gaano kayaman si Mr. Chen.

“Wow! Ang yaman ninyo naman Sir.”

“Umupo ka muna sa sofa. Tawagin ko muna ang aking anak.” Sabi ni Mr. Chen. Tinawag niya ang isang katulong. “Patawag naman si Ella.” Pagkautos ay agad umakyat ang katulong.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

 “Ang cute mo talaga Tie Dan!” sabi ni Ella habang nakikipaglaro sa kanyang aso.

Habang nakikipaglaro si Ella ay may kumatok sa kanyang pintuan.

“Pasok.” Sabi ni Ella at inayos ang sarili at baka si Mr. Chen iyon.

    24

“Ma’am, tawag daw po kayo ni Sir.”

 “Ah ganoon ba.” Ibinaba ni Ella si Tie Dan at nagpaalam siya. “Bye

muna Tie Dan.” Nag-fly kiss si Ella kay tie Dan at umalis sa kanyang kwarto.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

 “Sir, sabi po ni Ma’am ay baba na siya.” Sabi ng katulong.

“Ok. Salamat.” At pagkatapos ay umalis na ang katulong.

Tumayo si Chun para hintayin ang sinasabi ni Mr. Chen at para mabati ito agad. Kaso biglang nahulog ang Michael Jordan keychain niya kaya dinampot niya ito.

Si Ella naman ay pababa na ng hagdan at pagkababa niya ay tinanong niya kaagad ang kanyang tatay.

“Uhmm… Dad, bakit?”

“May nais nga pala ako ipakilala sa inyo.” Tumingin si Mr. Chen kay Chun. “Ito si Chun, ang magiging bodyguard mo.”

Agad na dinampot ni Chun ang keychain niya at humarap kaagad sa babaeng babantayan niya.

“Ako nga pala si…” Nabigla si Ella at ang taong inaakala niyang nagnakaw ng kanyang sapatos ay nasa kanilang bahay. Nagulat din si Chun at si Ella, ang taong nagbintang sa kanya, ay ang taong babantayan niya.

“Ikaw nanaman?!” sabay nilang sinabi.

 

 

    25



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

238 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella