Chapter 5: You?!

Chapter 5: You?!

A Chapter by rielovella
"

Ella and Chun met again. this chapter is kinda brutal for Chun.

"

“Ikaw nanaman?!” sabay nilang sinabi.

“Daddy, ano ba?” galit na sinabi ni Ella. “Bakit pa siya?”

“Alam mo naman na nanganganib ang buhay mo sa Black Fire at hindi natin alam kung kailan sila uli gagawa ng masama.” Nag-aalala na sinabi ni Mr. Chen. “At niligtas niya ako kahapon mula sa grupong iyon.”

“Pero, Dad!!! Kaya ko naman ang sarili ko.”

“Naku, Sir, sorry po at hindi ko na po matatanggap ang binibigay niyong trabaho.”

“Pero Mr. Chun, sayang naman po yung 10,000 NTD na sweldo mo every month.”

Biglang napaisip si Chun sa sinabi ni Mr. Chen.

Chun’s POV

Hmmm… Mukhang makukuha ko na ang Michael Jordan edition Nike shoes kung pagtitiisan ko itong babaeng na ito.

End of POV

Nagtaka si Ella at nakatingin si Chun sa kanya.

Ella’s POV

Bakit kaya nakatingin sa akin itong lalaking ito? Hmmm… Mukhang may plano siya na nakawin ako uli.

End of POV

“Bakit ka ba nakatingin sa akin?” sabay na sinabi ni Chun at Ella.

    26

“Eh bakit ba? Masama bang tumingin sa iyo,” galit na sinabi ni Ella. “At tsaka ikaw naman ang mukhang magnanakaw dito. Dad?!! Please naman oh, kahit sino ok lang huwag lang siya.”

“Mukhang nagkita at nagkakilala kayong dalawa at masama pa ang nangyari. Pero Ella, siya ay malakas at gagaan ang loob ko kung siya ang bodyguard mo.” Sabi ni Mr. Chen. “O Chun, payag ka na ba?”

“Opo sir, payag na po ako.”

“Tignan mo Dad, halatang may gagawing masama sa bahay na ito at mukhang pera pa.” Napatingin siya ng masama si Ella kay Chun.

“Aba! Hindi ako katulad ng iniisip mo.” Nagalit si Chun sa binintang ni Ella.

“Ewan ko kung anong nangyari nung nagkakilala kayong dalawa pero kailangan magkasundo kayo dahil simula ngayong araw na ito ay dito na titira si Chun, sa kwarto ni Calvin.” Sabi ni Mr. Chen.

Lalo pang nagalit si Ella sa narinig niya sa kanyang tatay. Ang magnanakaw sa kwarto ng kanyang kapatid? Hindi niya matatanggap ang nais ng kanyang tatay. Nagtaka naman si Chun at bakit sa bahay na iyon siya titira.

“Dito ka titira Chun para higit na mababantayan mo si Ella.”

“Pero Dad?! Kwar-“ Naputol ang sinabi ni Ella nang nagsalita uli si Chun.

“Paano na po yung mga gamit ko po?”

“Don’t worry at dadalhin ng driver ang mga gamit mo mamaya.” Sabi ni Mr. Chen.

    27

Tumango si Chun sa sinabi ni Mr. Chen. Tumahimik ang paligid at nagtitimpi si Ella sa kanyang galit dahil nasa harap niya ang kanyang tatay.

Biglang pumasok ang secretary ni Mr. Chen.

“Sir, may meeting po kayo ngayon sa mga exporters.” Sabi ng secretary.

“O sige.” Sabi ni Mr. Chen. Bago siya umalis ay pinalalahanan niya si Chun.

“Chun, ikaw bahala kay Ella.” At pagkatapos ay umalis na si Mr. Chen.

Pagka-paalam ni Chun kay Mr. Chen ay tumingin siya kay Ella. Nabigla siya at nakaturo sa mukha ni Chun ang daliri ni Ella.

“Ikaw! Ikaw!” galit na sinabi ni Ella. “Ikaw na magnanakaw at manloloko. Paano mo naloko si Daddy na kunin ka bilang bodyguard ko?”

“So… ako pa ngayon ang sinisisi mo?” Lumapit si Chun kay Ella. “Eh hindi nga ako ang kumuha sa binili mo.”

“Tignan mo, nagsisinungaling pa.” Natawa ng konti si Ella. “Hanga din ako at naloko mo ang mga pulis at si Daddy.”

Nagagalit na talaga si Chun pero nagtitimpi pa rin siya dahil alam niyang babae ang kaharap niya. Umalis na lang si Chun para mapigilan niya ang galit niya. Nang nakita ni Ella na umalis si Chun ay inasar lalo ni Ella si Chun at dahil dun ay di na napigilan ni Chun ang sarili na magalit. Sa sobrang galit ni Chun ay hinawakan niya ang braso ni Ella ng mahigpit.

“Ano ba?! Bitawan mo ako.” Pumipiglas si Ella sa higpit na

    28

pagkakahawak ni Chun.

“Wag na wag mo na ako uli pagbibintangan na magnanakaw, sinungaling o kung ano man.” Nilapit niya ang kanyang mukha kay Ella at galit na galit siya.

Lalong nasasaktan si Ella sa pagkakahawak ni Chun dahil lalo niya ito hinigpitan. Dahil dun, napapikit na lang si Ella sa sakit. Nang nakita ito ni Chun ay bigla niyang naalala na dapat ay di niya ito ginagawa sa isang babae kaya binitawan na niya ang braso ni Ella.

“Sorry.” Sabi ni Chun at agad siyang umalis.

Naiyak si Ella sa sakit. Pinunas niya ang kanyang luha at umakyat na siya sa kanyang kwarto.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Habang naglalakad, iniisip ni Chun kung ano ang nagawa niya sa anak ni Mr. Chen. Sa isip niya, paulit-ulit itong pumapasok at para bang nakukunsensya.

“Bakit mo ba nagawa iyon Chun?” tinanong niya sa kanyang sarili.” Siguro, ayaw mo lang mapagbintangan… Pero…” napabuntong hininga siya. “Mali pa rin iyon eh.Ah!” Napakamot siya sa kakaisip nun. Siguro na-feel niya ang guiltness.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Habang sa bahay ng mga Chen, si Ella ay nanonood ng mga laban ni Michael Jordan sa DVD. Sinusubukan niya na makalimutan ang sakit na naramdaman niya na ginawa ni Chun.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

“Lalala” awit ni Selina habang inayos ang mga gamit sa rack nang

    29

may nagbukas ng pintuan ng shop.

“Good afternoon po. Pili po kayo ng damit dyan.” Sabi ni Selina.

“Huy ako lang ito.” Sabi ni Chun habang tinitignan ang mga damit.

“Ah, akala ko kung sino.” Sabi niya habang inayos ang mga gamit. “Nga pala, bakit ka nandito, eh may trabaho ka pa dapat di ba?”

“Oo meron, pero hindi na sa talyer.” Lumapit si Chun kay Selina at tinulungan sa pag-aayos ng gamit sa rack. “Saan ito Selina?” tanong ni Chun habang hawak ang isang figurine.

Itinuro ni Selina ang isang rack at agad niya inilagay. Tinanong uli ni Selina kung bakit hindi na siya sa talyer nagtatrabaho. Kinuwento naman ni Chun lahat ng nangyari at nakwento rin niya ang nagawa niya kay Ella. Habang kinukwento ni Chun iyon ay biglang may nangyakap sa kanya.

“Ange-“ napabuntong hininga na lang si Selina sa ginawa ni Angela.

Tinanggal ni Chun ang pagkakayakap ni Angela sa kanya.

“Hi Kuya Chun! Namiss kita.” Ngiti ni Angela.

“Oo na, alam ko.” Sabi ni Chun.

“Oo nga pala Angela,” naalala ni Selina na may kailangan sa shop. “Bumili ka ng sinulid, wala na tayong puting sinulid eh.”

“Ate naman eh.” Nagtatampo si Angela dahil every time na makikita niya si Chun ay laging may iniuutos si Selina. Kinuha niya ang pera kay Selina at bago siya tuluyang ,lumabas ay nag-fly kiss si Angela kay Chun. “Bye Kuya.” Pagkatapos ay umalis na si Angela.

“Si Angela talaga.” Napailing si Selina sa mga kalokohan ni Angela.

    30

“Ok lang iyon.” Napangiti si Chun. Pagkatapos ay intinuloy na niya ang kanyang kinukwento.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

“Yun ang nangyari.” Sinabi ni Chun pagkatapos ikwento ang lahat ng nangyari.

“Ah kaya pala mukha kang problemado.”

“Mukha ba?” Napatingin si Chun sa salamin.

“Hindi naman sa makikita talaga, napansin ko lang. Eh ano gagawin mo sa amo mo?” tanong ni Selina.

“Bibigyan ko siya ng regalo parang peace offering sa ginawa ko.”

“Actually, hindi madadaan sa regalo ang ginawa mo Chun. Sinaktan mo ba naman siya eh.” Napatingin siya ng masama kay Chun.

“Oo alam ko na masama ginawa ko sa kanya at hindi ito matutulungan sa regalo. Pero ito lang ang paraan ko na mas makahingi ng tawad sa kanya.”

“Kung yun naman ang usapan ay tutulungan kita.” Ngumiti na muli si Selina. Napaisip siya kung ano ang pwedeng maibigay. “Alam ko na!” pagkaisip niya ay ibinulong niya kay Chun.

“Salamat sa advice.”

“Ok lang yun. Syempre ikaw pa at para mawala na ang mga guhit sa mukha mo.” Biglang natawa si Selina.

“Kaw talaga.” Napangiti si Chun. At pagkatapos ay umalis na siya at bumili ng sinabi ni Selina. Pagkabili niya ay dumeretso na siya sa bahay ng mga Chen.

    31



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

243 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella