Chapter 9: Selina and Arron

Chapter 9: Selina and Arron

A Chapter by rielovella
"

Because Chun isn't home, Arron's alone and Selina came. What will happen in Selina's visit? hmmm... Is it really a visit?

"

Habang si Chun ay nagtatrabaho bilang bodyguard ni Ella, si Arron naman ay malungkot dahil wala ang kanyang best friend.

“Ano ba yan?” nayayamot si Arron habang inayos ang kotse. “Wala si Chun, wala akong makausap.”

“Huy Arron.” Sabi ng isang lalaki.

Napalabas siya sa ilalim kotse at tinignan kung sino.

“Huwag mo nga kausapin ang iyong sarili. Para kang babae.” Natawa ang lalaki at umalis.

Pagkatapos ng mahabang oras ay natapos na siya sa trabaho at umuwi agad. Pagkapasok niya sa bahay ay dumeretso siya sa kanyang kama at umupo. Habang nakaupo ay bigla niya naalala na hindi siya nakabili ng pagkain.

“Ano ba yan?! Wala lang si Chun, nakalimutan ko nang bumili ng pagkain.” Sisi niya sa kanyang sarili.

Habang nakaupo siya sa kanyang kama ay may narinig siyang may kumakatok sa pintuan.

“Sino yan?” sigaw ni Arron at lumapit siya sa pintuan para buksan. Pagkabukas niya ay nakita niya si Selina na kumakaway sa kanya na may dalang pagkain.

“Salamat!” ngiti ni Arron at kinuha niya ang pagkain kay Selina.

“Hay naku!” sabi ni Selina. “Hindi man lang ako binati.” Tampo niya at hindi man lang siya pinansin. Umupo si Selina sa upuan at tinignan si Arron na kumakain.

“Ano ka ba? Mahalaga din itong…” biglang binilaukan si Arron sa

     51

kanyang kinakain.  Agad kumuha si Selina ng baso ng tubig.

“O ito tubig.” Binigay niya ang baso ng tubig kay Arron at agad niya ininom ang tubig.

“Hay!” napabuntong hininga si Arron. “Kaw kasi eh.” Sinisi niya si Selina.

Natawa si Selina at sinabi “Ako na nga ang nagdala ng pagkain, magagalit ka pa sa akin.” nagtampo si Selina.

Na-guilty naman si Arron sa sinabi ni Selina. “Oo na! Oo na! Sorry na..” Sabi ni Arron. “Salamat at dinalan mo ako ng pagkain.” Dagdag niya.

“Naku! Ok lang iyon. Naalala ko lang kasi na wala si Chun kaya naisip ko na dumaan dito at magdala ng pagkain kung man makalimutan mo.” sabi ni Selina at ngumiti kay Arron. “Sige kain lang.”

At pinagpatuloy ni Arron ang pagkain niya. Habang tinitignan niya si Arron kumain ay iniisip niya kung sino ang makakasama ni Arron sa bahay.

“Di ba doon muna siya titira?” tanong ni Selina.

“Oo. Mukhang matatagalan siya doon.” Sabi ni Arron.

“Sasamahan kita dito ah.”

“Hindi, wag na lang Selina.” tanggi ni Arron.

“Hindi, hindi. Sasamahan kita dito at baka ano gawin mo dito sa bahay niyo.” sabi ni Selina. Naalala kasi ni Selina noong minsan na dumating sila ni Chun ay nakita nila si Arron na may kasamang babae. At tsaka minsan ay ayaw ni Arron na nag-iisa siya sa bahay.

     52

“Eh! Ayaw ko pa rin!” sabi ni Arron.

“Sige na please!”

Napaisip siya at tinignan si Selina.

“Sige na nga.” napilitan na sinabi ni Arron.

“Yes, susuko rin eh.” napangiti si Selina.

Pagkatapos ay pumunta si Selina sa kama at napahiga. Si Arron naman ay kumain uli. Habang kumakain si Arron ay naisip niya kung sino nagbabantay ng shop.

“Teka! Sino nagbabantay ng shop?” Napatingin si Arron kay Selina at nakita niya na nakatulog na pala si Selina.

“Hmmm…” napangiti si Arron. “Pagod na pala itong si Missy.”

Kaya ‘Missy’ ang tawag ni Arron kay Selina ay dahil noong bata pa sila ay mala-mayaman kumilos si Selina kahit na mahirap sila at hanggang ngayon ay ganoon pa rin si Selina. Lumapit si Arron kay Selina at nilagyan ng kumot si Selina. Napatingin siya sa mukha ni Selina na tulog na tulog.

Naalala niya si Guigui noong minsan na naabutan niya na tulog sa bahay ni Guigui. Noong naalala niya si Guigui ay itinabi niya ang platong pinagkainan niya at umupo siya sa upuan na malapit sa bintana. Napaisip siya kung bakit nga ba siya iniwan ni Guigui pagkatapos ng 2 taon na realsyon nila. Biglang pumasok sa isipp niya na baka dahil sa kanilang posisyon sa buhay ay ang dahilan kung bakit siya iniwan.

“Pangako ko Guigui na yayaman din ako balang araw para maging bagay na tayo sa isa’t isa.” sabi ni Arron sa kanyang sarili at nakatulog siya.

     53



© 2010 rielovella


Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

457 Views
Added on January 5, 2010
Last Updated on January 7, 2010
Tags: love, is, chun, ella, wu chun, wu, ji zun, zun, ji, jia hua, ella chen, chen jia hua, jia, hua, EzEkIErU, S.H.E., she, fahrenheit, fei lun hai, fei, lun, hai


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella