TadhanaA Poem by Samara06/23/2020
Tadhanang animoy nakapikit
Nagtatanong saking pilit Bakit tayo'y pinagtagpo, Ngayoy pusoy nalilito at tuliro. Sa bandang hilaga aking tinanaw, Ni minsan ba'y imahe ko sayo'y naligaw. Pilit na hinahanap ka sa panaginip, Sa hiwaga na akin minsa'y nasilip. Aking napagtanto ang tunay na ligaya, Na minsay sa aking buhay ika'y nakilala. Matapos at dumating man ang bukang liwayway. Sana makatagpo ka sa susunod na habang buhay. © 2022 Samara |
Stats
23 Views
Added on August 31, 2022 Last Updated on August 31, 2022 AuthorSamaraManila, NCR, PhilippinesAboutMy words though simple and few are all sincere and true. The mind may get cloudy but the heart never ever forgets. NEVER. more..Writing
|