Magnum "Upos"

Magnum "Upos"

A Poem by Eldridge Dulatas
"

Philippine war on drugs in a nutshell

"
Isang alok na kinapitan nilang uhaw sa kapayapaan
Biglang dagok ang kapalit silang ng kapabayaan
Tangan ang pulbura sa magkabilang kamay na bakal
Tugon ay pagbura sa kanilang biktima ng bintang
Sakdal sa binatang ninais maging kawal
Sakal na inatang bunga ng mga maling paratang

At umagos ang pawis kasabay ng dugo,
Sa pagsalag ng balat sa mga rumagasang tingga
Bawat paglatag sa katawang sumasagasa sa bala,
Katumbas yaring ginto na tutugon sa gigil nilang laman
Gantimpala siyang ganti sa paggahasa sa bayan
Pagkumpas wari'y walang hinto sa pagkitil ng walang laban

Lahok sa digmaang may maling katunggali
Walang panalo sa hidwaang pareho ang sawi
Pagkunsinti ay gasolina sa sumisiklab na apoy
Pagkundena sa mali na ang magsisilbing taboy
Pinakamabisang armas ay boses na walang tigil
Tinig na magliligtas sa bayang sinisiil.

© 2019 Eldridge Dulatas


Author's Note

Eldridge Dulatas
my piece on our country's approach on illegal drugs
Filipino "tagalog" reviewers, I used a few anagrams, multi syllabic rhymes and a dynamic/ "loose" rhyme scheme. any filipino around pls give it a read, and reviews are encourage.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

30 Views
Added on May 24, 2019
Last Updated on May 24, 2019
Tags: philippines, war on drugs, tagalog filipino

Author

Eldridge Dulatas
Eldridge Dulatas

Manila, Philippines



About
Nothing special really, just wanna write random stuff in rhymes. more..

Writing