sayang

sayang

A Poem by genalyn caguimbal
"

Mga ala-alang naiwan

"
Hindi na ako nasasaktan.
Manhid na ba aking pakiramdam?
Ang mga luha'y kaya ko ng pigilan.
Bihira ka na ding sumagi sa isipan.

Pero malungkot pa rin ako.
Nanghihinayang sa mga ala-alang ating binuo.
Hungkag pa rin ang bawat gabi at araw ko.
Ikaw pa rin ang laman ng puso.

Hindi ko pa rin magawang burahin ang mga larawan na nagpapaalala ng nakaraan.
Hindi ko pa rin magawang itapon ang mga bagay na iyong iniwan.
Paminsan minsan ko pa rin itong tinitingnan at binabalikan.
Pagkatapos pipikit at sasabihing, "sana lahat ng ito'y panaginip lang."

Oo. Katangahan! Katangahang ipunin pa at itago lahat ng makakapagpaalala sa'yo.
Pero kasi sayang eh. Ayokong biglain. Gusto ko pang namnamin. Ang proseso ng paglimot nais kong dahan dahanin.

Alam ko naman isang araw magagawa din kitang limutin. Alam ko isang araw magagawa ko ding bumitaw. Alam ko isang araw magbubura din ako ng mga larawan kasabay ng pagbubura ng sakit at hirap na nararamdaman. Alam ko isang araw mararamdaman ko ding hindi na kita mahal. Alam kong darating din 'yon isang araw. Hindi man ngayon, basta isang araw.

-genalyn caguimbal-

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

60 Views
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing