Ina

Ina

A Poem by James Cooper T.

I

tanghali nang akoy nagising
masarap paring matulog muli dahil
pinuyat ko sarili ko sa kakalaro

sabi ni ina gising na
pero inay alas utso imedya pa
mamaya na

hinanda na nya ang hapag
para paggising mo diretso kana
papuntang skol


Cho

Ina salamat sa lahat
iyo mo akong inalagaan
hindi ko alam kong iyong batid
nung akoy paslit iyo akong pinipikpik
sa kulambo mas ramdam kong ligtas
keysa sa pader na aking ipinagawa
mahal kita, wag kang mawala

II

parang kahapon lang
pinalo mo ko
nadapa sa may kanal
sa katigasan ng ulo

parang kahapon lang
ang mga utos mo
ng pagbili ng mantika
sa tindahan ni mang dioko

parang kahapon lang
ang mga ito
kinampihan at niyakap
laban sa mga manloloko

Pre Cho

Nais ko lang sabihin,
salamat ina
walang katumbas ang iyong
pag-aaruga

Bridge

Isang araw naluha ka,
kinakapos pala sa pera
ako ngayoy magastos pa
pinag tiyaga mo ko,
di to mauuwi sa wala

Last Cho:

Kaya ina wag kana
umiyak tahan na
ako naman ang pipikpik
nang ang tulog mo ay tahimik
salamat noon
hanggang ngayon

© 2022 James Cooper T.


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

6 Views
Added on June 4, 2022
Last Updated on June 4, 2022

Author

James Cooper T.
James Cooper T.

Ozamiz , Misamis Occidental , Philippines



About
Hello! Welcome to my site. I am a new and aspiring writer. I'm fascinated with many things such as science, technology, language, history, fantasy, and so many more. I am a Filipino, so the context of.. more..

Writing