Tatlong Taon

Tatlong Taon

A Poem by Gerica de la Cruz
"

A poem for HIM

"

Tatlong taon na!

 

Parang kailan lang

nang unang magsabihan

ng salita ng pagmamahalan�"

mga matatamis na sambitan.

 

Para kailan lang

nang una mong hawakan

hilahin at halikan

kamay kong may kaliitan.

 

Parang kailan lang

nang unang magyakapan,

nang pisngi ko'y tinangan

at labi ko'y hinagkan.

 

Parang kailan lang

nang unang magsagutan,

magtampuhan at maglambingan

hanggang magkapatawaran.

 

Tatlong taon na

ng kulitan at tampuhan,

ng asaran at tarayan,

ng alitan at lambingan.

 

Tatlong taon na

pero magbibilang pa

hanggang sa malagutan

na ako ng hininga.

© 2014 Gerica de la Cruz


Author's Note

Gerica de la Cruz
What do you think of my poem?

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

173 Views
Added on October 2, 2014
Last Updated on October 2, 2014
Tags: relationship, love

Author

Gerica de la Cruz
Gerica de la Cruz

Bacoor, CALABARZON, Philippines



About
Years from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..

Writing