Ulit

Ulit

A Poem by Melancholic Tellurian
"

Spoken Poetry ( Tagalog free verse )

"
Mahal kita, mahal na mahal kita.
Oo, uulitin ko mahal kita.
Ngunit kahit ilang beses kong ulit-ulitin sayo na mahal kita, ano nga ba sa'yo?
Tatanggapin mo ba ang pagmamahal na pinipilit kong mapa-sa'yo.
Tatlong letra, isang salita.
UTO; Oo, nauto ako ng damdamin ko, Inuuto ko lang ba? Isang talata.
Inuuto ko lang ang sarili kong mamahalin mo rin ako, kahit sa totoo'y 'di mo naman.
Wala eh, ganyan talaga; sadyang ganyan.
Ang hirap kasi nung nagmahal ka sa taong di mo naman alam kung mamahalin ka rin.
Yung kahit pilitin mong mahalin ka pero wala parin.
Tatlong letra, isang salita.
ASA; aasa pa ba? Isang pangungusap.
Pinapaasa ko lang ang sarili kong mamahalin mo rin ako, kahit sa totoo'y di wala naman talagang pag-asa.
Wala ganyan talaga, sadyang ganyan.
Ang hirap kasi nung nagmahal ka sa taong di mo naman alam kung mamahalin ka rin.
Yung kahit pilitin mong mahalin ka pero wala parin.
Teka, mukhang umulit lang.
Inulit ko lang pala.
Uulitin ko mahal kita.

© 2018 Melancholic Tellurian


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

52 Views
Added on October 2, 2017
Last Updated on November 25, 2018

Author

Melancholic Tellurian
Melancholic Tellurian

Bacoor City, Cavite, Philippines



About
My user says it all. more..

Writing