Unan

Unan

A Poem by Mark Samonte

Tumingin ako sa kalangitan
hawak ang aking sigarilyo
nakita ang ganda at kinang ng mga bituin
habang inaalala ang lahat ng ala-ala na ating pinagsaluhan
Ngiti sa aking mukha ay kasing kinang ng bawat bituin sa langit
ngunit biglang itong napalitan ng kalungkutan
na tila ba natabunan ng ulap ang bawat tala sa kalawakan
nang maalala ko na nasa piling ka na nya ngayon
ang pangako mong makakasama kita hanggang sa aking huling hininga
para bang bula na bigla nalang naglaho at naging isang malaking imahinasyon.
Sabi nga nila ang mahalin ka ay magbibigay sa akin ng sobrang pighati
ngunit mas nanaisin ko nalang ibigay ang huli kong hininga para sabihing mahal kita,
 Mahal kita, Subalit paano ko nga ipapadama sayo ang aking pagmamahal
kung sinuko mo nalang ako ng basta ang mga yakap nya ang bumabalot sayo ngayon.
kaya ito ako ngayon nagiisa sa gabing malamig at madilim
tanging unan lamang ang kayakap at kasama
unan na puno ng mga luha na dulot ng iyong pagalis sa aking piling
pipilitin ko nalang maging masaya habang ikaw ay masaya kapiling sya
Salamat sa magagandang ala-ala na iyong naipadama kahit paano
Salamat sa lahat at paalam aking iniibig.

© 2018 Mark Samonte


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

38 Views
Added on October 16, 2018
Last Updated on October 16, 2018
Tags: Sad, Broken, Love

Author

Mark Samonte
Mark Samonte

Muntinlupa, NCR, Philippines