PANGUNGULILA (Bersyon 3)

PANGUNGULILA (Bersyon 3)

A Poem by Pinoy Ako

 
Hindi mo nakikita, hindi mo naririnig
Ang kanilang mga daing, ang kanilang mga tinig
Mula sa umaga at hanggang sa gabi
Inaasam pa ring muli kang makatabi.

Subalit sa pagpatak ng malakas na ulan
Sa bawat paghampas ng alon sa dalampasigan
Sa taas ng mga bundok, at lalim ng dagat
Ang alalahanin ka ay di pa rin sapat.

Nais ka nilang mahagkan, nais kang mayakap
Subalit nasaan ka, hindi pa rin matanggap
Na sa sandaling ito'y nakikipagsapalaran
Naririyan ka't nagtitiis sa lupain ng dayuhan.

Sa bawat paggasta, sa bawat paghalakhak
Walang nakakaalam, walang nakatitiyak
Kung kailan mawawala ang lihim na kirot
Ang sakit ng paglayo'y di pa rin malimot.

Kung ang hanap nila'y ang iyong mga bisig
Sapat na bang kaloob ang para sa bibig?
Kung ang nais nila'y muli kang mamasdan
Sapat na ba ang salapi upang lungkot ay maibsan?

Sabihin mo, ipakita mo, kaibigan
Na sa magkalayong mga puso'y may bukas pang nakalaan...



PANGUNGULILA ( Bersyon 3)

           ang sariling bersyon ni Dhaye 

           hango sa unang bersyon na sinulat ni Pinoy



 

© 2014 Pinoy Ako


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Featured Review

Ang galing ng tula na ito. Meron siyang rhythm at rhyme. Love Hope Faith. Dito sa tula na ito makikita ang tatlong ito. Pero tinapos ang tula sa napakagandang linya. At iyun ay Hope. Palaging may pagasa sa mga taong umaasa. Salamat sa pag share sa tula na ito. (Neil Aranda)

Posted 10 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.




Reviews

Ang lalalim ng mga tula na nilagay niyo dito at lahat ay may social relevance. Ah, bakit nga ba kailangan pang lumayo para lang matugunan ang obligasyon at pangangailangan ng pamilya.

Posted 10 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.

Ang galing ng tula na ito. Meron siyang rhythm at rhyme. Love Hope Faith. Dito sa tula na ito makikita ang tatlong ito. Pero tinapos ang tula sa napakagandang linya. At iyun ay Hope. Palaging may pagasa sa mga taong umaasa. Salamat sa pag share sa tula na ito. (Neil Aranda)

Posted 10 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.


Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

277 Views
2 Reviews
Added on May 11, 2014
Last Updated on May 27, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing