Ang pagbuo ng isang istorya

Ang pagbuo ng isang istorya

A Poem by leticia

Kapag dumating ang oras na magbiro ang tadhana at pagtagpuin tayong muli
Sa eksaktong lokasyon
Sa eksaktong oras
Ngunit sa ibang taon
Hindi ako iiwas
Hindi ako tatalikod
Hindi ako mag-iiba ng landas
Sapagkat nais kong maramdamang muli
Kung paano magtagpo ang ating mga mata
At bumagal ang takbo ng mundo
Kung paano ako suyurin ng iyong matang kulay pula na para bang nagbabagang apoy sa gitna ng tag-ulang panahon
Kung paano mo ako suyuin
Kung paano mo ako lambingin
Kung paano mo ako mahalin
Nais kong maramdamang muli
Bawat segundong aking nasisilayan ang tamis ng iyong mga ngiti
Ang gaspang ng iyong mga palad
Ang malambot mong buhok

Ngunit bukod pa rito, nais kong maramdamang muli
Kung paano nating buuin ang ikaw at ako
Kung paano natin nabuo ang tayo
At baka sa pagkakataong ito,
Ang mga pagkakamali ay maitama
At ang sakitan ay mauwi sa pagkaunawaan

Subalit ayaw na tayong paglaruan ng tadhana
Dahil ngayon pa lang,
Sa iba ka na nakatadhana

© 2020 leticia


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

9 Views
Added on August 7, 2019
Last Updated on April 12, 2020

Author