Buhangin

Buhangin

A Poem by Randolf Ramos
"

Tula

"
Lakbayin mo ang dalampasigan,
na wari'y nagpipinta ng iyong pares na paa.
Tulad ng mga ibong malaya na naglalaro
sa kahel na langit.

Sadyang maganda ang umaga sa bukang liwayway
Ang araw ang saksi ng iyong paglalakbay
Na wari'y nagbabantay sa bawat
hakbang na iyong tinatahak.

Hindi kailanman kumurap.
Hindi kailanman nagpabaya.

Lakbayin mo ang dalampasigan
Na tila walang katapusan.
Sadyang marupok ang mga buhangin kung saan
mo nilalapat ang iyong mga paa.

Ngunit kailanman huwag kalimutan
ang musika ng mga alon.
Ang halik ng hangin sa iyong paglalakbay
Malaya mong iukit ang iyong mga paa sa buhangin
hanggang sa dulo ng dalampasigan sa dakong
takipsilim.

Hindi kailanman maaaninag ang iyong mga paa
Sa lona na mga buhangin sa dakong takipsilim.
Ngunit sa panibagong umaga kahit nilamon na
Ng mga alon ang bakas ng iyong mga paa.

Saksi mo ang araw.
Saksi mo ang dagat.
Saksi mo ang ibong malaya.
Saksi mo ang hangin na minsan ng dumampi
Sa iyong mga talampakan.

Na minsan nang naging abala at nagganyak sa iyong
paglalakbay.


© 2021 Randolf Ramos


Author's Note

Randolf Ramos
Malayang pagsulat

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

133 Views
Added on March 30, 2021
Last Updated on March 30, 2021

Author

Randolf Ramos
Randolf Ramos

Philippines



About
more..

Writing
Empath Empath

A Poem by Randolf Ramos