Laban ng Pag-ibig sa Distansya

Laban ng Pag-ibig sa Distansya

A Poem by skyekassidy
"

Dalawang taong naiibigan na patuloy na lumalaban kahit malayo sa isa't-isa

"
Pag-ibig na nagsisilbing kapangyarihan
Sa distansyang nagsisilbing harang 
Sa ikaw at ako
Malayo man ang pagitan sa isa't-isa
Pagmamahal mo ay bumabalot sa akin 
Sa bawat oras na nilalamang 
Patuloy padin ating laban
Mga ngiting nasisilayan sa harap ng monitor 
Pagtatawanang pinagsasaluhan 
Tila ba'y pakiramdam ay nasa tabi lamang kita
Inspirasyon kang maituturing sa pang araw araw
Pagkakasundo sa bagay bagay 
Tila bang wala ng makahahadlang pa
Konting panahon na lamang aking mahal
Makakasama na din kita
Mahahawakan 
Masisilayan
Tila bang isang pangarap na inaasahang mangyari 
Kapit lang mahal ko aabot rin tayo dyan 
Kay sarap isiping pagpapahalaga mo'y sobra na para sa akin 
Sana ako'y sapat na para buuin ka 
Sapat nang mahalin ka
Sana'y sapat na nga ako
Paano ba yan matatapos na ito 
Nais kong malaman mo
Tuloy tayo 
Kapit tayo 
Mahal natin ang bawat isa, yan ating panghawakan
Pagmamahal na tatalo sa problemang distansya
Tayo'y magkikita sa tamang oras at sana yun ay malapit na.

- Maria Veronica Gomez

© 2017 skyekassidy


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

108 Views
Added on May 4, 2017
Last Updated on May 4, 2017
Tags: love, long distance relationship, strong, keep fighting

Author