Angel's Feathers : Mystery

Angel's Feathers : Mystery

A Story by 박신혜

EPISODE TWO

M

asaya ang boung mag-anak ni Harry habang patungo sila sa Hacienda ng kanyang ina. Matagal-tagal na rin mula nang umuwi siya sa hacienda nila. Naalala pa niya ang araw na pinalayas siya ng kanyang ina dahil sa pagsuway niya sa gusto nito. Dapat sana ay ipapakasal siya nito sa anak ng business partner nito subalit, hindi niya sinunod ang kagustuhan nito at pinakasalan si Lucy kahit na tutol ito sa relasyon nila. Simula nang itakwil siya nang kanyang ina namuhay na siya na parang isang ordinaryong tao lang. naghanap nag trabaho, bagay na hindi niya ginawa boung buhay niya dahil sa mabuhay siya sa karangyaan. Ngunit wala siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya. Masaya siya sa piling ni Lucy at sa dalawa niyang Anak.

Nakalutang si Achellion sa himpapawid habang sinusundan ang mag-anak. Binabantayan niya ang mga ito habang nasa daan ang mga ito. Mula sa kinatatayuan ni Achellion naririg niya ang halakhak ni Aya. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang malutong na tawa ng batang babae. Pero biglang naalarma si Achellion na ang halakhak ni Aya ay napalitan ng tili. Na ramdaman din niya ang presensya ng isang fallen angel at hindi lang basta isang fallen angel kundi isang fallen angel na naabot na ang maturity nito. Isa na itong ganap na dyablo. Kompleto na ang sungay at buntot nito.

Nang makita niya ang fallen angel ititinutulak nito ang kotse ng mag-anak. Ito ang sanhi kaya wala na sa control ni Harry ang kotse. Niyayakap naman ni Eugene ang natatakot na kapatid. Agad na nilapitan ni Achellion ang fallen angel para pigilan ito sa masamang balak sa mag-anak.

“Angel Achellion. Ang dakilang sundalo.” Sakristong wika ng Fallen Angel. “Kung mag-isa ka lang. Hindi mo matatalo ang kompetong katawan ng isang Dyablo.” Anito.

“Para sa isang Dyablo na walang ibang gawin ay kumain ng kaluluwang ganid. Mayabang ka! Pero huwag kang mag-alala. Ipapadala kita sa lugar kung saan ka bagay.” Ani Achellion at inilabas ang Espada  ni Michael ito ang espadang ginagamit niya para tugisin ang mga takas na anghel.

Sinimulang atakihin ng fallen angel si Achellion. Nag-una nasasabayan pa ni Achellion ang kalaban ngunit habang tumatagal ang laban. Nakikita ni Achellion ang pinagkaiba ng kanilang lakas. Totoo nga na malakas ang fallen Angel na ito. Dahil kompleto na ang katawang Dyablo nito ang isang ordinaryong sundalo na gaya niya ay walang pag-asa na matalo ito. Ngunit, hindi siya sumuko. Kailangan pa niyang iligtas ang mag-anak na ngayon ay malapit na sa bangin kapag nahuli siya tiyak na mamatay ang mga ito.

Ginamit ni Achellion lahat ng lakas niya. Para matalo ang Fallen Angel at maipadala sa walang hanggang apoy. Dahil sa matinding laban na iyon. Nabali ang pakpak ni Achellion at nagtamo siya ng maraming sugat sa katawan. Huli na nang mapuntahan niya ang kotse ng mag-anak, nang Makita niya ito gugulong gulong ang kotse pababa sa bangin.

Nang lapitan niya ang kotse, nakita niyang duguan ang boung mag-anak. Wala ng buhay ang mag-asawang Lucy at Harry habang ang dalawang bata ay humihinga pa ngunit nasa panganib din ang buhay. Sa nalalabing lakas sa katawan niya. Inilabas niya sa kotse ang  mag-anak. Saktong nailayo niya sa kotse ang mag-anak ng bigla itong sumabog.

“Mommy!” narinig ni Achellion na daing ng batang babae. Kumpara kay Eugene hindi malubha ang sugat ni Aya dahil yakap ito ng kuya niya. Mahina na ang tibok ng puso ni Eugene kapag wala siyang ginawa masasawi din ang binatilyo. Gamit ang kaunting kapangyarihan niya. Pinagaling ni Achellion ang malubhang sugat ni Eugene sa ulo.          

Dahil, hindi niya alam kung saan dadalhin ang magkapatid, naisip niyang iwan ang mga ito sa labas ng isang kombento. Bago siya umalis isinuot niya kay ni Aya ang isang kwentas na ang pendant ay isang lutos. Ginawa niya ang kwentas mula sa nag-iisang balahibo ng pakpak niya.


Ang iniisip ni Achelllion ng mga sandaling iyon ay ang kaligtasan ni Aya kaya naman iniwan niya sa dalaga ang kanyang simbolong bulaklak. Kahit na papaano gusto niyang maramdaman ni Aya na meron siyang anghel na magbabantay dito. Kung darating man ang pagkakataon at mabubuhay siya hahanapin niya si Aya para patuloy itong protektahan.

“Mabuhay ka Aya. At maging Masaya.” Wika ni Achellion bago umalis sa lugar na iyon.

Wala na siyang natitirang lakas. Hindi na rin niya mabuksan ang daan pabalik sa lugar na pinanggalingan niya. Malakas ang Ulan at madilim na ang paligid. Pakiramdam ni Achellion naglalakad siya sa kawalan.

“Huh?!” napasinghap si  Achellion at napalingon sa liwanag sa unahan niya. Ano itong liwanag na nakikita niya? Dito na ba natatapos ang buhay niya? Isang malakas na ingay ang narinig niya bago lamunin ng kadaliman ang ulirat niya.

            “Mother superior!” humahangos na wika ng helper ng kombento habang tumatakbo papasok sa kombento.

“Bakit Berto? Anong nangyari?” Tanong ng isang matandang madre.

“May mga bata sa labas ng kombento. Mga sugatan.” Wika nito.

“ANo?!” gulat na wika nito. “Ano pang ginagawa mo? Dalhin mo sila dito sa loob.” Wika nito.

Agad namang tumalima ang lalaking helper. Dinala nila sa isang silid ang dalawang bata para magamot. Dahil pinagaling ng kapangyaarihan ni Achellion si Eugene kaya naman malayo na ito sa panganib. Si Aya naman ay puro galos at maliit na sugat sa ulo ang tinamo. Agad nilang nilapatan ng gamot ang mga sugat ng dalawang bata.

Kinabukasan nasa headlines kaagad ang aksidente ng pamilyang Heartfelia. Dead on the Spot ang mag-asawa habang nawawala naman ang dalawang anak ng mga ito. Nakita ang labi ng mag-asawa di kalayuan sa kotse na sumabog. Walang nakakaalam sa dahilan ng aksidente. Ipinagpalagay na lamang na sanhi iyon ng madalas na kalsada dahil sa malakas na ulan.

Nakarating sa Ina ni Harry ang nangyari sa anak at mga apo nito. Ilang buwan nitong hinanap ang mga apo ngunit hindi niya nagawang Makita ang mga bata. Dahil sa kawalan ng pag-asa tinanggap na niya ang katutuhanan na katulad ng mga magulang nito nasawi rin ang dalawa.

Isang buwan na walang malay si Aya. Si  Eugene naman ay nagising matapos ang isang lingo. Saka lang niya naalala ang nangyari sa mag magulang. Sinubukan nilang puntahan ng lola Carmela niya kasama ang mother Superior ng ampunan ngunit ang tita Helen niya ang nakausap niya at sinabing nagtungo na sa Ibang bansa ang matanda matapos mabalitaan ang aksidente. Binigyan lang siya nito ng konting pera at pinaalis. Labis na ikinasama ng loob ni Eugene ang ikinilos ng tiya. Alam niya na noon pa ayaw na ng tiya nila sa kanila. Lalo na at sa daddy niya lahat ipinamana ang ari-arian ng lola niya. Ngayong wala na ang daddy nila tiyak na mas hahangarin ng tita Helen nila na sana hindi a rin sila nabuhay. Ngunit hindi niya bibigyan ng katuparan ang nais nito. Mabubuhay sila ni Aya at isang araw babalikan nila ang lola nila. Sa ngayon, si Aya ang mahalaga sa kanya. Lalo na at hindi pa rin ito nagigising. 

“Hijo. Wala ka na bang balak na kausapin ang lola mo?” Tanong ng madre ng makabalik sila sa kombento.

“Hindi po yata tama ang panahong ito. Siguro hihintayin ko na magising muna si Aya.” Ani Eugene.

“Mas maiigi nga na ganun na lamang ang gawin ninyo. Doon na muna kayo manatili sa kombento.” Anang madre.

“Marami pong salamat.” Wika ni Eugene.

I

sang buwan matapos ang aksidente. Dinala ng mga madre sina Eugene at Aya sa bahay ampunan na pinamamhalaan ng madre na nakakuha sa kanila. Isang buwan na rin na hindi gumigising si Aya. Habang si Eugene ay nasa tabi lang ng kapatid at hindi umaalis. Nangako siya sa mga magulang niya na hindi iiwan ang kapatid at parati itong babantayan.

Nakatulog na si Eugene sa tabi ng kapatid habang hawak ang kamay nito. Parati niyang sinasamahan ang kapatid nagbabakasakali na magigising na ito.

  Dahil sa himbing nang pagkakatulog hindi napansin ni Eugene na gumalaw ang kamay ng kapatid. Maya-maya ay unti-unting dumilat ang mga mata ni Aya. Agad na napansin ni Aya ang nakakatandang kapatid na nakatungo ang ulo sa tabi niya habang hawak ang kamay niya.

“K-kuya..” Mahinang sabi ni Aya.

Habang natutulog naririnig ni Eugene ang kapatid na tinatawag siya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Ganoon na lamang ang galak na kanyang naramdaman ng makitang gising na ang kapatid.

“Aya!”

“Kuya----”wika ni Aya sa nagsimulang umiyak. Naalala pa niya ang aksidente nila.

“Aya!” nag-aalalang wika ni Eugene at umupo sa tabi ng kapatid.

“Si mommy at daddy, gusto ko silang Makita.” Ani Aya. Hindi pa alam ni Aya na wala na ang kanilang mga magulang. Alam din ni Eugene na hindi niya dapat ilihim ang bagay na ito sa kapatid. Nilakasan niya ang loob at ipinagtapat sa kapatid na nasawi sa aksidente ang mga magulang nila. Labis na nasaktan si Aya sa narinig at lalong umiyak. Walang ibang nagawa si Aya kundi ang yakapin ang kapatid.

Kagaya ng mga bata sa ampunan kung saan sila dinala ng mga madre, ulila na rin sina Eugene at Aya. Mahirap para kay Aya na tanggapin ang sitwasyon nila lalo na ang pagkawala ng mga magulang nila. Ganoon din kay Eugene ngunit, hindi iyon pinakita ni Eugene sa kapatid. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang dalawa.

Dahil iba na ang mundo nila ngayon, napilitan na lumipat sa isang public school si Eugene kasama ang iba pang batang ampon. Ganoon din si Aya. Sa ampunan nakilala ni Eugene si Julianne, kagaya nila isa rin itong ulila lumaki sa lansangan bago dalhin ng isang pare sa ampunan noong sampong taong gulang ito. Magkasama silang pumapasok sa isang public school.

Simula ng magising si Aya, napansin niya ang kwentas na sout niya alam niyang wala siyang kwentas na ganoon. Sinubukan niya iton tanggalin pero hindi niya iyon magawang matanggal. At simula din ng magising siya nagsimula na siyang makakita ng mga kakaibang nilalang. Sa bagong school na pinapasukan nila, may mga tao siyang nakikita. Mga taong nakaitim at may itim na pakpak. Nag simula nang matakot si Aya. Tanging siya lang ang nakakakita sa mga ito.

P

apauwi na sila ni Jenny sa ampunan ng may makasalubong silang batang umiiyak sa kalye. Huminto sa paglalakad si Aya at nilapitan ang Bata.

“Bata naliligaw ka ba?” Tanong ni Aya sa bata. Napatingin ang bata kay Aya.

“Gusto ko nang umuwi.” Wika nito kay Aya.

“Saan ba ang bahay mo, pwede ka naming ihatid.” Wika ni Aya at inilahad ang kamay. Biglang napatras si Aya ng biglang lumitaw sa likod ng bata ang isang nilalang. Nilalang na katulad ng mga nakikita niya sa school. Bigla nitong hinawakan ang kamay ng bata.

Dahil sa takot biglang napatili si Aya. Narinig naman ni Jenny ang sigaw ni Aya. Noon lang niya napansin na wala na sa tabi niya si Aya. Nakita niya ito sa may puno at takot na takot ang mukha. Agad siyang tumakbo palapit kay Aya.

Si Jenny ay isa rin sa mga  ampon ng mga madre,  mas bata ito ng limang taon kay Eugene. Ito rin ang itinuturing na ate ni Aya sa ampunan, bukod kay Julianne at sa kuya niya si Jenny ang madalas na kasama ni Aya.

“Aya? Bakit?” Tanong ni Jenny ng makalapit sa batang babae.

“Ate Jenny ang bata---” hintakot na wika ni Aya.

“Bata? Nasaan? Wala naman bata dito.” Ani Jenny. Hindi Makita ni Jenny ang batang tinutkoy ni Aya dahil isa na lamang kaluluwa ang bata. Ang mga nakikitang death angels ni Aya ay ang mga fallen angels na nagkalat sa lupa at pinapanatili nila ang lakas sa pamamagitan ng pagkain sa mga ispiritong di maka-akyat sa langit.

“Jenny! Aya!” Wika ni Eugene ng madaanan ang kapatid at si Jenny agad nilapitan nina Eugene at Julianne sina Aya.

“Anong nangyari?” Tanong ni Eugene nang makalapit sa kapatid.

“Yung bata kuya. Kunuha siya ng nakatakot na mama.”takot na wika ni Aya.

“Bata?” Tanong ni Julianne kay Jenny. Mahinang umiling si Jenny. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag na wala naman siyang nakitang bata. Agad namang niyakap ni Eugene ang kapatid para pakalmahin ito. Alam ni Eugene na kagaya niya nakakakita rin ng mga espirito si Aya. Ngunit hindi niya ito sinasabi sa kapatid dahil ayaw niya itong takutin. At marahil ang nakita ni Aya kanina ay multo ng isang bata.

12 years later...

N

agkakagulo sa isang mall dahil tinutugis ng mga pulis ang isang suspect ng sunod-sunod na nakawan sa mga kilalang bangko. Nakaabang sa labas ng mall ang mga SWAT members habang ang dalawang police officer ang siyang humahabol sa suspect. Umabot ang habulan sa pangatlong palapag bago mahuli police officer ang suspect.

 “Kulukoy ka pinagod mo pa ako.” Anang isang police officer saka pinitik ang tenga ng suspect bago lagyan ng posas ang mga kamay. Nagpalakpakan naman ang mga tao ng Makita na nadakip ng dalawang pulis ang suspect. Kumaway naman sa mga tao ang officer na parang celebrity.

“Tama ka nga Julianne.” Anang isa pang officer at pinalo ang kamay at nauna.

“Ang gwapo nila no.” Narinig nilang wika ng mga babae.

“Ang saya naman nitong trabaho natin Eugene. Sumusikat tayo sa mga babae.” Pabirong wika ni Julianne.

“Loko! Tayo na nga!” natatawang wika ni Eugene at hinila ang suspect palabas sa mall.

“Bye fans.” Wika ni Julianne sa mga babae. Lalo namang tumili ang  mga ito ng ngitian ni Julianne napapailing lang si Eugene sa kaibigan. Labing dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi parin ito nagbabago. Naroon parin ang kakulitan nito at pagiging masayahin. At gaya ng dati reckless ito.


 Makalipas ang 12 taon naging isang magaling na pulis si Eugene at sa gulang niyang 27 isa na siyang tenyenteat si Julianne ang buddy niya. Sabay nilang tinutugis ang mga salot sa lipunan gaya na lamang ng suspect na nahuli nila ngayon.

Sumaludo ang mga SWAT members ng Makita sila ni Julianne na lumabas kasama ang suspect. Sinagot din nila ito ng saludo.

“You have work hard” Ani Eugene.

 


“Aya!” Masiglang sabi ng isang dalaga at tumakbo papalapit kay Aya na nakaupo sa isa sa mga bench sa pavilion ng school nila.

“Alice. Bakit ang saya mo yata?” Tanong ni Aya.

“Galing ako sa dean’s office, nakita ko sa TV ang kuya mo at ang best friend niya. Grabe! Ang galing talaga nila. Nakahuli ulit sila ng isang suspect.” Wika ni Alice.


“Akala ko naman kung ano Ang sasabihin mo.” Wika ni Aya. Para  kay Aya ang kuya niya ang pinakamagaling na pulis sa mundo. At ang kanyang takbuhan sa tuwing natatakot siya. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na sikat sa mga babae ang kuya niya. Lalo na at parating nasa TV ang kuya niya dahil sa maganda nitong nagagawa. Kung may mga pulis na nasa headlines dahil sa mga pangungurakot at krimen, iba ang kuya niya nasa headlines ito dahil sa magandang nagagawa sa lipunan.

Nang makagraduate ito ng high school, umalis sila sa Umpunan. Nagtatrabaho ang kuya niya sa isang fast food chain bilang part time crew. Habang nag-aaral sa gabi. Siya naman ay full time na estudyante. Kasama nila sa pag-alis sa ampunan ang best friend ng kuya niya na si Julianne na hanggang ngayon ay kasama pa nila.


“Ang swerte mo talaga sa kuya mo. Gwapo, matino, at responsible. Hay! Nakakainlove.” Wika ni Alice.

“Naku, huwag na huwag mo yan sasabihin sa harap ng girlfriend niya dahil sobrang selosa yun.” Nakangiting wika ni Aya.

“Sino ang super model na si Frances Montreal? Lamang lang siya ng tangkad sa akin no.” Ani Alice. Natawa lang si Aya sa itinuran ng kaibigan.

Nakilala niya si Alice ng nasa high school na siya. Ito ang una niyang naging kaibigan maliban kay Julianne at Ate Jenny niya.

“Aya!” masayang wika ng isang babae na nakasuot ng puting uniporme.

“Ate Jenny!” masayang wika ni Aya at kumaway sa babaeng paparating. OO tama, ito ang ate Jenny niya. Na ngayon ay isang registered nurse at school physician nila. Nagkahiwalay sila noong lumipat sila ng bahay ng kuya niya. Muli silang nagkita noong nakaraang taon ng pumasok siya sa college. Nasa pangalawang taon na siya ng kursong Journalism katulad din ni Alice.


“Naglunch ka naba?” tanong ni Jenny.

“Hindi pa, hinihintay ko si Kuya. Gusto mo bang sumabay? Tiyak matutuwa yun pag nakita ka.” Ani Aya.

“Pwede rin ba akong sumama?” Tanong ni Alice.

“Hindi ba niya kasama ang girlfriend niya?” pabirong wika ni Jenny.

“Hindi Busy yun ngayon.” Ani Aya.

Nasa labas na ng gate sina Eugene ng lumabas sina Aya. Kumaway sa kanila ang dalawang binata.

“Wow!” Ani alice. “Ang gwapo niyo pala talaga.” Dagdag pa nito.

“Sira ka talaga Alice.” Ani Aya sa kaibigan.

“Kumusta Jenny.” Ani Eugene at kumaway dito.gumanti ng ngiti si Jenny kay Eugene.

“Kumusta Eugene, Kumusta Julianne.” Bati ni Jenny.

“Wow! Ikaw na ba talaga si Jenny? Ang ganda mo na ah.” Ani Julianne at lumapit kay Jenny na hindi nakapaniwala na Makita ang dating kasama sa Ampunan.

“Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago, kingkoy ka parin.” Natatawang wika ni Jenny.

“May "asawa ka na ba?” Tanong ni Julianne. “Malulungkot ako pagsinabi mong meron na.” Ani Julianne.

“Baliw ka talaga.” Ani Eugene at hinatak si Julianne. “Tayo na nga.” Ani Eugene. Tumago lang si Jenny saka lumapit kay Aya bago sumunod sa mga binata.

“Wow! kakaiba talaga ang kuya mo Aya.” Ani Alice.

“Walang kakaiba sa kuya ko.” Sagot naman ni Aya.

“Siya nga pala saan tayo kakain?” Tanong ni Alice.

“Dito!” Ani Julianne at huminto sa isang karenderia di kalayuan sa school nila.

“Ano?!” Gulat na wika ni Alice. Natawa naman sina Jenny at Aya sa naging reaksiyon ng kaibigan.

“Ang gaganda ninyong lalaki dito niyo kami pakakainin?” Ani Alice.

“Aba wala sa gandang lalaki yan. Kung wala kang pera talagang magtitipid ka.” Ani Julianne.

“Okay lang yan Alice libre naman.” Ani Jenny nakangiti at kinindatan si Alice. Saka inakay papunta sa isang mesa kung saan nakaupo sina Eugene at Aya.

“Anong gusto mong kainin Aya?” Tanong ni Eugene sa kapatid.

“Kahit ano huwag lang manok.” Nakanigting wika ni Aya.

“Bakit? Hindi ka kumakain ng manok?” Tanong ni Alice.

“Allergic si Aya sa manok.” Wika ni Jenny.

“Tama na aalala ko pa noong minsang kumain si Aya ng manok dahil walang ibang ulam sa kombento. Halos hindi natulog sina Jenny at Eugene sa pagbabatantay kay Aya. Nagkagulo lahat ng tao sa kombento. Paano ang pula na ni Aya at  nahihirapang huminga.” Kwento ni Julianne.

“Eh ikaw anong ginawa mo noon?” tanong ni Alice.

“Siyempre natulog ako.” Ani Julianne.

“Walang kwenta!” Ani Alice.

Bigla namang napatawa ng malakas si Jenny dahil sa sinabi ni Alice kay Julianne.

“Aba nagkakatuwaan yata kayo.” Ani Eugene na bumalik na dala ang inorder nila. Nabigla pa si Jenny nag may inorder na pala si Eugene para sa kanya.

“Gulay?!” Gulat na wika ni Alice.

“Ang alam ko kasi Hindi ka kumakain ng kahit na anong karne.” Wika ni Eugene at inilapag ang inorder na pagkain ni Jenny. Lihim na pinamulahan si Jenny. Hindi niya akalain na Matatandaan ni Eugene ang bagay na iyon.

Habang kumain may nakita si Aya na balahibo na pabagsak sa harap niya. Iniunat niya ang kamay para saluhin ito pero hindi paman ito sumasayad sa palad niya bigla na itong naglaho.

“Bakit Aya?” Tanong ni Eugene.

Ngumiting umiling si Aya. Imahinasyon lang ba niya ang nakita niya? Bakit naman may mahuhulog na puting balahibo sa lugar na ito? Bakit isa lang? Gutom ba siya? Ito ang mga tanong na naglalaro sa isip ni Aya.

“Kumain kana, may kailangan pa kaming puntahan ni Julianne.” Wika ni Eugene sa kapatid. Simpleng tango lang ang sagot ni Aya.

N

agkakagulo ang mga impleyado ng isang malaking kompanya, Ang Empire isang international Company na nakabase sa England at ngayon ay nagbukas ng branch sa Pilipinas. Isang European na scientist ang may-ari ng kompanya. Siya si Dr. Neil Armstrong. Isang dating Miyembro ng NASA at ngayon ay may-ari ng Empire. Ang Empire ay isang, Financial Company.

Si Dr. Armstrong ay may nag-iisang anak, Na Miyembro ng NASA bago lumipat ng FBI at ngayon nga ay Special Member ng NBI. Ang anak ni Dr.Armstrong ang hinihintay ng mga empleyado. Balita kasi nila sa isang makisig na binata ang anak ng Doctor.Bukod doon, magaling din itong crime fighter.

“Anong pakiramdam mo na nagkabalik ka na dito nakalipas ang 12 taon? Sa palagay mo ba may maalala ka na?” Tanong ng Doctor sa binatang katabi  niya na nakaupo sa backseat. Nakatingin sa labas ng Bintana ang binata at nagmamasid.

“Hindi naman ako nagmamadali na maalala ko ang lahat. Sa palagay ko darating na lang ang oras na may-maalala ako sa nakaran ko.” Anang binata. Napangiti lang ang matandang Doctor sa sinabi ng binata.

Naalala pa niya ang gabing iyon 12 taon na ang nakakaraan. Umuulan ng gabing iyon. Papauwi na siya galing sa pagbisita sa kaibigan. Iyon ang unang beses na pumunta siya dito sa Pilipinas. Nais niyang Makita ang dating kasama sa NASA. Noong mga panahon ding iyon kamamatay lang ng kanyang anak dahil sa isang operasyon sa Russia. Ang anak ni Dr. Armstrong ay isang miyembro ng US Navy.

Habang nagmamaniho siya patungo sa hotel. Isang lalaki ang nakita niyang patawid ng kalsada at sa anyo nito mukhang malubha ang mga sugat. Bumusina siya para ipahayag sa lalaki na may kotse na paparating, ngunit parang walang naririg ang lalaki.  Nakita niyang napatingin sa direksyon niya ang binata. Itinakip nito ang kamay sa mga mata dahil sa liwanag ng ilaw ng kotse niya. Muli siyang bumosena. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng binata.

Inihinto niya ang kotse at nilapitan ang lalaki. Gulat na gulat ang doctor ng Makita ang sugatan na binata. Sa dami ng sugat nito nagtataka ang doctor dahil malakas pa ang tibok ng puso nito normal din ang pintig ng pulso. Walang ordinaryong tao ang makakaligatas sa ganoon ka grabeng mga sugat. Hindi na ng dalawang isip ang Doctor. Agad niyang isinakay sa Kotse ang lalaki at dinala sa hospital.

Isang gabi lang, gumaling lahat ng sugat ng lalaki niwalang ni isang palatandaan na nagkaroon ito ng sugat. Ngunit ng magising ito wala na itong maalala ni pangalan nito hindi na nito maalala.

Dahil sa pangungulila sa kanyang anak napagdesisyunan ng Doctor na kupkupin ang binata. Ibingay niya dito ang pangalan ng Anak na si James. Isinama niya sa Europa ang Binata. Dahil sa pambihirang galing ng Binata. Kinuha ito ng NASA at FBI. Para kay Doctor Armstrong parang isang Anghel si James na ipinadala ng langit para maibsan ang pangungulila niya sa anak niya.

“May nais akong puntahan. Pwede bang bumaba na ako dito. Mamaya na ako pupunta sa Opisina.” Ani James sa ama.

“Stop the car.” Wika ng doctor sa Driver nila. Agad namang tumalima ang driver at iniligid ang sasakyan bago huminto.

“I will just call you later.” Ani James. Bago bumaba ng kotse.

“Okay. Be careful” sagot ng doctor.

P

atawid na si Aya sa pedestrian lane ng bigla siyang napahinto sa gitna nang kalsada. Hindi siya makadiretso sa pagtawid dahil sa isang nilalang na papalapit sa kanya. Mas lalo siyang nahintakutan ng mapansin na nakalutang ito. Halos habol na ang paghinga ni Aya nakahawak siya sa lutos ana kwentas na noon pa ay suot-sout na niya. Nagpalit na ang ilaw ng traffic light. Panay na ang busina ng ng kotse sa dalaga. Ngunit walang marinig si Aya. Nakatuon ang pansin niya sa nilalang na palapit sa kanya.

Pagkababa ni James sa sasakyan naiisipan niyang maglakad lakad. Ang tanawin na  nakikita niya ay pamilyar sa mga mata niya parang nakita na niya ang lugar na ito noon. Pinagmamasadan niya mula sa malayo. Napahinto si James sa paglalakad ng Makita ng magpalit ang ilaw ng traffic light.

Napatuon ang pansin niya sa Babaeng nakatayo sa gitna ng kalsada habang nakatingin lang sa lalaking palapit dito. Ngunit bakit kakaiba ang pakiramdam niya sa nilalang na ito. Mukha itong tao pero hindi ito tao. Ewan ba ni James pero kakaiba ang pakiramdam niya. Parang hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng ganitong nilalang.

“Aish!” Napalabing wika ni James na makitang magpalit ang ilaw ng Traffic light. Panay na ang busena ng mga sasakayan sa dalaga pero tila wala itong maririnig. Walang ibang nagawa si James kundi ang lapitan ang dalaga at ilayo sa gitna ng kalsada.

Nabigla naman si Aya ng may lakas na nilalang na humatak sa kanyang palayo sa gitna ng kalsada. Isang malakas na bisig ang nagligtas kay Aya mula sa isang aksidente. Split seconds nga mga sandaling iyon pakiramdam ni Aya huminto ang oras niya. Habang nakatitig sa mukha ng taga-pagligtas niya. (Song playing " [On my way to you])

 

           

 

EPISODE THREE

A

re you trying to get yourself  killed!!” asik ni James sa dalaga ng mailayo na ito sa gitna ng kalsada. Hindi agad nakareact si Aya dahil sa sobrang gulat. Hindi lang dahil sa death angel na nakita niya kundi maging sa lalaking biglang sumulpot mula sa kung saan.

“What?! Are you still sleeping? Naglalakad ka ba habang natutulog?” narinig niyang wika ng lalaki saka niya naramdaman na bigla siya nitong uyog-uyog.

“Yah!(Hey)” biglang wika ni Aya at iniigwas ang kamay ng laki dahil sa kakauyog nito sa kanya sumasakit na ang ulo niya.

“Yah?!” mukhang wika nito ng makabawi sa ginawa niya mukhang hindi nito nagustuhan ang naging reaksyon niya. “A simple thank you will be enough.” Anito sa kanya.

“Ano bang problema mo?” asik ni Aya sa binata.

“Anong problema ko?! I think I should be the one asking that Question. Anong problema mo? Tirik ang araw. Naglalakad ka ng tulog. ” Sakristong wika ni James.

“Ang yabang! Wala kang pakialam!” sigaw ni Aya sa binata at tumalikod.

Ngunit bigla siyang napahinto ng pagtalikod niya naroon na ulit ang death angel.  Biglang napaatras si Aya dahil sa takot. At dahil sa pag atras niya bigla siyang tumama sa binata. Naging mabilis ang reflexes ni James at sinalo ang nagulat na dalaga.

“Hey!” ani James at napatingin sa direksyon ng Death angel.

“Hey! What do you want? Is she your lover? Bakit hindi kayo mag-usap.” Asik ni James sa lalaki. Bigla itong tumitig ng matalim kay James at biglang naglaho na ikinagulat ni James.

Is he going crazy? Multo ba ang nakita niya? Bigla rin nakabawi si James mula sa pagkabigla. Marahan niyang itinulak palayo ang dalaga sa kanya.

“Are you crazy?” Ani Aya sa binata. Ngayon lang siya nakakita ng tao na sinigawan at kinausap ang isang death angel. Ito rin ang unang beses na nalaman niyang hindi lang pala siya ang nakakita sa kanila.

“What?!” biglang wika ni James.

“Hindi mo ba alam kung ano yun? Isa yung death angel.” Wika ni Aya.

“Death Angel? Seriously? Are you crazy? Such a troublesome girl.” Ani James. Ngunit bakit may bahagi ng pagkatao niya ang nais maniwala na isang death angel ang nakita nila.

“Troublesome girl? Hoy Yabang! Sino ba sa ating dalawa ang kumausap sa multo. Ikaw diba?” Ani Aya at biglang tumigil. “Ibig sabihin tulad ko, Espesyal ka? Kailan ka nagsimulang makakita ng mga death Angel? Alam mo marami sila dito sa mundo. Nagkalat.” Ani Aya.

Napangiting sakristo si James. At na mangha siya sa dalaga ang bilis nitong gumawa ng kwento.

“You should see a doctor. The one expert with mind would be the best.” Ani James at nagsimulang maglakad.

“Aba! Arogante talaga. Ginawa pa akong baliw.” Ani Aya at sinundan ang binata.

“Yah!” Tawag ni Aya sa Binata. In informal way.

“Yah What?!” padaskul na lumingon si James sa dalaga. Biglang nasapo ni James ang noo ng makitang nadapa ang dalaga. Siguro dahil sa pagsunod nito sa kanya.

“Such a troublesome person.” Ani James at lumapit dito sa tinulugang tumayo ang dalaga. Napansin ni James and galos sa tuhod ng dalaga. Marahil nakuha niya ito ng bumagsak.

“What are you thinking?” Tanong ni James.

“Aw ang hapdi!” Ani Aya at napaluhod at hinipan ang tuhod na may galos.

Kasalanan mo to yabang! Wika ng isip ni Aya.  Nagpalingon lingon si James kung may pwede siyang lapitan para matulugan ang dalaga. Biglang nahagip ng mata niya ang isang pharmacy. Agad siyang tumakbo para bumili ng magagamit para malinisan ang sugat nito.

“Hoy yabang-----” Wika ni Aya at nag-angat ng tingin pero bigla siyang natigilan ng wala na ang binata. Agad din naman siyang tumayo habang inaalalayan ang tuhod.

“Kainis! Iniwan ako.” Desmayadong wika ni Aya saka tumalikod. Kahit na sumasakit ang tuhod niya kailangan na niyang umuwi baka. Hinahanap na siya ng kuya niya. Kahit na gusto pa niyang makausap ang lalaki at tanungin tungkol sa kakayahan nito mukhang kailangan na niyang pagpaliban iyon.

“Huh.” Napasinghap na wika ng dalaga ng biglang may humawak sa braso niya.

“Such Trouble!” anang binata ng lumingon si Aya dito.

Napansin niya na may dala itong gamot. Siguro kaya ito biglang nawala dahil bumili ito ng gamot.

“Halika. Linisan natin yang sugat mo bago maimpeksyon.” Wika  ni James.

“Hindi na.” Tanggi ni Aya at tinapik ang kamay ni James.

“Geez.”anas ni James. “Such a hard headed girl.” Napapiling na wika ni James.

“Alam mo nakakainis kana, kanina mo pa ako binabansagan nang kong ano-anong pangalan.” Asik ni Aya sa binata.

“Aya!” Tawag ng isang boses ng lalaki sa dalaga. Agad na napalingon ang dalawa sa pinanggagalingan ng boses.

“Kuya!” gulat na wika ni Aya na Makita ang kapatid at si Julianne sakay ng isang kotse. Huminto ang kotse sa tapat nila. Saka bumaba sina Eugene at Julianne.

“Anong nangyari sa tuhod mo?” tanong ni Eugene ng makalapit at agad na pansin ang dumudugong tuhod ni Aya.

“Natalisod lang ako ng konti.” Ngumiting wika ni Aya.

“Natalisod?! Ikaw! Ikaw siguro ang dahilan kung bakit nasugatan si Aya?” Asik ni Julianne kay James. Hindi nakapaniwalang napangiti si James. Ano ba naman itong mga taong nakikilala niya puro makikitid ang utak. Isang Troublesome na babae at isang paris ng pulis na mahina pa sa inaakala niya.

“Ginugulo ka ba nito Aya.” Ani Julianne at naglakad palapit kay James

“Hindi!” Ani Aya at itinulak si Julianne palayo.

“Gumutin mo agad yang sugat mo bago maimpeksyon.” Ani James at inaabot sa kamay ni Aya ang biniling gamot. Saka nagpaalam at umalis. Natigilan lang si Aya sa kinilos ng binata. Ngunit nasa isip niya parin ang nangyari kanina. Katulad niya may espesyal din itong kakayahan na makakita ng mga death angels.

“Sino ba ang mayabang na iyon Aya?” Tanong ni Julianne sa dalaga. Habang si Eugene at matama lang na tinitingnan ang palayong binata. Bakit parang hindi ito ang unang beses na nakita niya ang lalaking ito? At may pakiramdam ang binata na hindi ordinaryong tao ang lalaking iyon.

“Tayo na!” Ani Aya sa kapatid at hinatak ito patungo sa kotse.

“Umiral na naman ang pagiging careless mo.” Ani Eugene at kinusot ang buhok ng kapatid ng makasakay sa kotse.

“Kaya hindi makapag-asawa kami ng kuya mo dahil walang magbabantay saiyo.” Nakangiting wika ni Julianne at sumakay sa driver seat.

“Sino bang nagsabi saiyo na nagpapaalaga ako saiyo.” Ani Aya at nakalabi.

Natawa si Eugene sa kapatid ganoon din si Julianne. Simula nang mga bata pa sila. Nagbabarahan na sina Aya at Julianne. At parang natural na sa kanila iyon. Alam ni Eugene na parang kapatid ang turing ni Julianne kay Aya naman palagay ang loob niya at pwede niyang ipagkatiwala dito ang pangangalaga sa kapatid.

H

alos pumila ang mga babaeng empleyado sa harap ng entrance ng building na pagmamay-ari ng mga Armstrong ng marinig na dumating na sa kompanya ang anak ng doctor. Napapangiti naman ang doctor habang nakatingin sa binatang papasok. Halos pigil ang paghinga ng mga babaeng empleyado habang naglalakad ang binata papasok. Alam ng doctor na kakaiba ang taglay na kakisigan ni James. Walang sino mang babae ang hindi maaakit dito.

“Welcome to Empire!” bati ng isang lalaking nakasalamin kay James. Sa hula ni James nasa late twenties na ang lalaki o early 30’s.

“Thank you.” Sabi ni James.

“James!” masayang wika ni Dr. Armstrong at lumapit sa anak.

“Sorry for being late.” Wika ni James.

“You are just in time.” Anito. “Siya nga pala ito si Mike Herras. The head of the planning department.” Wika ng Dr. At ipinakilala siya sa binatang unang bumati sa kanya.

“Nice to meet you Mr. Herras. I’m James.” Wika ng binata at inilahad ang kamay sa lalaki.

“Nice to meet you too. Mr. Armstrong I hear so many great deals about you. I am looking forward to work with you in the future.” Ani Mike at inabot ang kamay ng binata. Napangiti lang si James. Sunod na ipinakilala siya ng kanyang ama sa head ng iba ibang department. Pagkatapos noon agad silang dumiretso sa conference room para sa board meeting. Ipinakilala siya ng kanyang ama sa mga miyembro ng board of directors.

“Say James. Since you have already arrive here. Do you have plans to take over your father’s company? I bet that you are already on the right age to manage Empire.” Wika ng isa sa mga director.

Napangiti si James at si Dr. Armstrong sa sinabi ng director.

“Sa ngayon, Busy si James sa mga personal na bagay. Malakas pa naman ako at kaya ko pang palaguin ang kompanya. Sa ngayon, gusto kong gawin muna ni James ang mga bagay na gusto niya. Aba miyembro yata ng NBI ang anak ko.” Proud na sabi ng Doctor.

“Aba tingnan mo nga naman. Napakaswerte naman ni James meron siyang supportive na ama.” Anang isang Director.

“Aba dapat lang minsan lang ako magkaroon ng ganitong anak.” Nakangiting wika ng Doctor. Natawa naman si James sa ama.

Matapos ang meeting sa mga broad of directors. Isinama siya ng ama sa isang sekretong kwarto sa likod ng bookshelves nito sa opisina nito. Isang gadget lab ang sekretong opisina ng Doktor. Kahit na may sarili na itong business hindi parin nawawala ang hilig nito sa pagimbento ng mga gadget. Noong nasa FBI pa siya at NASA ang ama niya ang taga gawa ng mga spy gadgets niya.

“Bukas ang unang araw mo sa trabaho diba?” Tanong ng doctor sa kanya.

“OO. Nag-iisip na nga ako kung anong klaseng trabaho ang dadatnan ko.” Wika ni James.

“Ang NBI ay kagaya lang din ng FBI sa State. Kaso nga lang mas lamang paring ang FBI sa maraming aspeto. At para tulungan ka sa bago mong trabaho. Iginawa kita ng mga bagong gadgets.” Anito.

“Hindi niyo na kailangan gawin ito. Isa pa, isa yata akong magaling na Detective.” Ani James.

“I know That. Kaya lang mas gusto ko parin na alam kung ligtas ka.” Wika ng doctor na biglang lumungkot ang boses. Tiyak ni James na naalala na naman nito ang anak na namatay.

“I am really thankful that I have meet a person like you. Kaya naman parati akong mag-iingat.” Wika ni James.

“Siya nag pala, hanggang ngayon ba nakakakita ka parin ng mga kakaibang nilalang?” Tanong ng doctor sa kanya. Alam ng doctor na kaya niyang makakita ng mga death angels/fallen angels. Hindi nga lang niya alam kung paano niya ito nagagawa.

“OO, kanina may isa akong nakita. Ang nakakapagtataka. Ngayon ko lang nakita na inaatake nila ng direkta ang isang tao.” Wika ni James.

“Anong ibig mong sabihin? Nagpapakita sila sa mga tao?”

“Hindi ko sigurado. Pero kanina, isang babae ang nakakita sa kanila” sagot ni James.

“Sa sinabi mo mukhang napakadelakado ng mga nilalang na ito.” Anang Dr.

Matamang napaisip ang binata. Bakit parang pamilyar sa kanaya ang mga nilalang na ito at para bang napakalaki ng kaugnayan ng mga ito sa pagakatao niya. Nitong mga nakaraang araw madalas siyang managinip tungkol sa isang digmaan. Kompara sa digmaan na may mga baril at canyon ang digmaan na nakikita niya at digmaan na walang gamit na

baril sibat at espada. May mga imahe na hindi malinaw.

I

sa na namang dalaga ang kinidnap. At ayon sa balita lahat ng mga babaeng nawala at nasa gulang na 17-19 na taon. Ito na ang pang limang kaso ng kidnapping sa taong ito. At hanggang ngayon hindi parin natatagpuan ang mga dalaga.

“Sino naman kaya ang mga walang kaluluwang ito na kumukidnap ng mga babae.” Ani Julianne habang nagluluto sa kusina. Sina Eugene at Aya ay nakaupo na sa mesa habang hinihintay siya na matapos sa ginagawa.

Simula noong imalis sila sa kombento. Kasama na nila si Julianne. Kapag wala si Eugene at nasa trabaho ito ang naghahatid sa kanya sa school. Ito rin ang taga luto nila. Mabait si Julianne minsan ngalang para itong bata kung mag-isip at magulo. Ngunit kahit na ganoon para itong may ngiti sa labi at parating pinapasaya si Aya.

“Huwag kang masyadong mag pagabi Aya. Simula ngayon susunduin na kita.” Ani Eugene.

“Kuya talaga. Kaya ko naman ang sarili ko no. Saka hindi naman nila ako pag-iinteresan na kidnapin. Wala naman tayong pera.” Pabirong wika ni Aya.

“Puro ka kalokohan. Mas mabuti na ang nag-iingat.” Ani Eugene at kinusot ang buhok niya. “Sa palagay ko hindi ito kaso ng kidnap for ransom. Wala pa namang napapabalitang may tumawag sa pamilya ng mga nakidnap. 6 na buwan simula noong nang nagamap ang kidnapping ngunit hindi parin bumabalik ang dalagang nakidnap.” Wika ni Eugene.

“Napaparanoid ka na naman sa kakisip. Kumain na tayo.” Ani Julianne at pinatay ang TV at inilapag sa misa ang nilutong egg omelette at hotdog.

“May pa apron-apron ka pa. Itlog at hotdog lang pala ang ulam.” Biro ni Eugene  sa kaibigan.

“Huwag kang mareklamo.” Ani Julianne at naupo.

“Let’s eat!” ani Aya at nagsimulang kumain. Hindi nawawala sa isip ni Aya ang binatang nakilala niya kahapon. Alam niyang hindi ito ordinaryong binata lang. Katulad niya may kakaiba rin itong kakayahan.

“Siya nga pala Buddy.” Wika ni Julianne kay Eugene.

“Bakit” anang binata at hindi tumingin sa kaibigan.

“Nabalitaan mo na ba na ang papalit kay chief ay miyembro ng NBI at sabi pa sa America ito lumaki at dating miyembro ng FBI at NASA. Grabe ang swerte ng taong yun.” Wika ni Julianne.

Si Julianne at Eugene ay kapwa miyembro ng PNP. At bukod doon miyembro din sila ng Elite squad na tinatawag na Task force Phoenix. Ang task force Phoenix ay isang samahan ng mga piling sundalo at pulis. Umaakto sila bilang SWAT team at Crime squad. Mahirap makapasok sa grupong ito dahil puro mga magagaling na sundalo, Air force at pulis lang ang kinukuha.

“Narinig ko na din ang balitang iyon. Mukhang ngayong araw ng siya dadalaw sa opisina.” Wika ni Eugene.

“Pwede ba akong pumunta sa headquarter nag Phoenix mamaya?” Tanong ni Aya.

“Bakit naman? Wala ka bang pasok?” Tanong ni Eugene.

“Wala na akong pasok mamaya pagkatapos ng tanghalian. Ngayon ang huling araw ni Chief tatay kaya gusto kong magpaalam.” Wika ni Aya. Ang chief ang task force Phoenix na si Col. Lopez ay taga donate ng mga pangangailangan ng ampunan at pinaggalingan nina Aya. Malapit siya sa matanda dahil narin sa pangungulila niya sa ama niya.

“Isama mo si Jenny tiyak na matutuwa si Chief pag nakita si Jenny.” Ani Eugene.

“Eh ikaw Buddy, Natuwa ka ba ng Makita mo si Jenny?” Pabirong wika ni Julianne sa kaibigan.

“Sira! Kumain ka na nga.” Ani Eugene at isilaksak sa bibig ni Julianne ang isang boung tinapay. Natawa lang si Aya sa dalawa.

“Ah! Bago ko makalimutan dito mag hahapunan si Frances.” Ani Eugene. Biglang napatigil si Aya. Sa totoo lang ayaw niya sa girlfriend ng kuya niya kaso ano ba naman siya na pigilan ito sa kung sino ang gusto nitong I-date.

“Nakabalik na pala siya?” Tanong ni Julianne.

“Kahapon lang.” Ani Eugene.

“Hey Kulit! Nagsasalubong na naman yang kilay mo. Hindi pa ako magpapakasal.” Wika ni Eugene at pinitik ang noo ni Aya.

“AW!” daing ni AYA at agad na sinapo ang namumulang Noo.

“Bilisan mo at ma-lalate ka na” Dagdag pa ni Eugene at tumayo.

“OO! Tapos na ako salamat sa almusal.” Wika ni Aya at tumayo saka dinala sa lababo ang pinggan.

“Mag-iingat ka sa paglalakad. Baka mamaya hindi lang tuhod mo ang may sugat.” Habol si Julianne sa dalagang nasa pinto.

“Tse!” Ani Aya at nag mamadaling lumabas. Natawa lang si Julianne sa reaksyon ni Aya.

P

agdating nina Eugene at Julianne sa headquarters nakita nila ang Chief nila na nagliligpit ng mga gamit nito. Dahil sa edad nito kaya naisip nito na magpalipat sa isang police department sa kanilang probinsya. Isa pa sabi nito hindi na kaya ng katawan niya ang makipag sabayan sa mga batang task force members. Si Col lopez ang nagrecruite sa kanilang dalawa ni Julianne para sumali sa task force. Parang ama na ang turing nila sa matanda.

“O! Julianne, Eugene narito na pala kayo. Simula ngayong araw bago na ang Chief ng task force kaya naman walang tatamad tamad.” Wika nito.

“Aba! Hindi naman kami Tamad.” Ani Julianne.

“Kasing gulang niyo lang ang bagong Chief. Pero kahit ganoon Irespeto niyo siya dahil mas mataas ang posisyon niya. At Julianne tigilan mo yang kakingkoyan mo.” Anang Chief.

“Tatang naman. Ganito lang talaga ako pero sersoyo ako.” Ani Julianne.

“Ayaw mo  bang ihatid kita sa bahay niyo?” Ani Eugene.

“Ang Batang ito.Hindi na kailangan. Dadating na maya-maya ang bagong Chief baka sabihin noon ginagawa ko kayong taga hatid. Isa pa, hindi na, kaya kong umuwi.”

“Madrama talaga tong buddy ko tatang.” Ani Julianne at inakabayan si Eugene agad namang inalis ni Eugene at kamay nito at tinulungan ang matanda na mag-ayos ng mga gamit.

“Sayang hindi ka naming mabibigyan ng despida.” Ani Eugene. “Dadalawin na lang kita sa bahay niyo bago ka umuwi sa probinsya niyo.” Ani Eugene.

“Magandang ideya. Gustong kung isama mo si Bait.” Ani nito na ang tinitukoy ay si Aya. Para sa matanda si Aya ang pumalit sa anak nitong namatay sa isang aksidente. Nag-iisa sa buhay ang Col. dahil iniwan na ito ng asawa niya matapos mamatay ang nag-iisang anak nito sa isang engkwentro sa isang mall 5 taon na ang nakakaraan.

Natapos nila ang pagliligpit ng mga gamit ng Chief at pinalitan nila ng mga gamit para sa bagong chief na darating. Abala si Eugene sa pagbabasa ng mga files tungkol sa mga kidnapping na nangyayari ng biglang lumapit si Julianne sa mesa niya at sinabing dumating na ang General kasama ang Bago nilang Chief. Agad namang tumayo si Eugene. Nasa may pinto na lahat ng miyembro ng Squad kasama si Col. Lopez para Abangan ang pagdating ng kanilang bagong Chief.

“Sir!” sabay-sabay na at sumaludo sa bagong dating. Sumaludo ding ang General sa kanila. Nang magbaba sila ng kamay agad na nakilala si Julianne ang binatang kasama ng general.

“OH!” Ani Julianne at Itinuro ang binata.

“Ibaba mo yang kamay mo para kang bata.” Wika ni Eugene sa kaibigan at ibinaba ang kamay nito.

“Buddy hindi mo ba nakikilala ang lalaking kasama ng General?” Wika ni Julianne.

Agad naman tumingin si Eugene sa lalaking kasama nito. Ganoon na lamang ang gulat niya ng makilala ang lalaki. Ito ang lalaking kasama ni Aya kahapon at ang lalaking sobrang pamilyar ang mukha. Ito ba ang bago nilang Chief.

“Maligayang pagdating General at sa iyo Captain.” Ani Col. Lopez sa bagong dating.

“Thank you.” Wika ni James.

“Ladies, This is Capt. James Armstrong of NBI. Starting today he will be your new team leader. I expect you to cooperate with him.” Anang General.


“Yes Sir!” sabay sabay na wika ng mga miyembro ng task force.

“Siya nga pala, Ito si Lt. Eugene Heartfelia at Lt. Julianne Ramirez. Maasahan mo ang dalawang ito. Magaling na pulis ang dalawang ito.” Ani Col. Lopez.

“Nice to meet you.” Ani James. Isa isang ipinakilala ni Col. si James sa mga miyembro ng Task force.

Dumating na sina Aya at Jenny sa headquarters. Kasama din nila si Alice. Habang naglalakad sila patungo sa opisina. Biglang napahinto si Aya. May isa na naman Puting balahibo ang bumabagsak sa harap niya iniunat niya ang kamay para saluhin ito pero agad din itong naglaho.

“Aya? Bakit?” Tanong ni Jenny na tumigil at nilingon ang dalaga.

“Nananginip na naman siguro ng gising ang isang to.” Ani Alice.

Ngumiti si Aya sa dalawa at agad na lumapit dito.

“Tayo na!” anito.

“Bait!” masayang wika ng isang pulis ng Makita si Aya na dumating. Kilala ng boung Task force si Aya dahil tuwing sabado at linggo nagdadala ito ng tangghalian para sa boung Task force at para sa dalaga para na niyang pamilya ang mga miyembro ng squad.

“Bait?” tanong ni Alice. “Suki ka ba dito?” Tanong pa nito.

“Magandang umaga kuya. Nandiyan ba si Chief tatay?” Ani Aya.

“Naroon sila sa loob ng opisina kasama ang kuya mo. Hintayin mo nalang sila. Palabas na din yun.” Sagot nito.

“Dumating na ba ang bagong chief? Mabait ba?” tanong nito.

“Aya, Para kang nakikipag-usap sa mga tambay.” Ani Alice.

“Sino yang mga kasama mo? Ipakilala mo naman kami.” Anang dalawa pang pulis at lumapit sa kanila.

“Ah! Siya si Ate Jenny physician ng school namin at siya si Alice ang best friend ko.” Pakilala niya sa dalawa.

Nagpakilala naman ang tatlo sa dalawang dalaga. Maya-maya lumabas sa opisina si Col. Lopez.

“Chief tatay!” Masayang wika ni Aya at agad na lumapit sa matanda at niyakap ito.

“Aba bait. Kumusta!” nabiglang wika nito. Kasunod na lumbas sa opisina sina Eugene, Julianne, James at Ang General.

“Ah! Yabang!” Biglang wika ni Aya na ikinagulat ng lahat ng tao sa loob ng headquarters. Hindi akalain ni Aya na muling magkokros ang landas nila ng binata. Ang totoo niyan tahimik niyang ipinagdarasal nasana Makita niya muli ang lalaki para makausap ito dahil na rin sa may pareho silang kakayahan.

Then their eyes meet. Ilang sandali ding nakatitig lang sila sa isat-isa maya-maya naisip niyang kumalas sa matanda at lumapit sa lalaki. (Song playing " On my way to you)


Gulat namang napatingin lang si Col. Lopez sa dalaga.

Lalo namang nagulat ang lahat dahil sa itinawag ng dalaga sa bagong Chief.

“Tingnan mo nga naman ang liit talaga ng mundo. Nagkita tayo ulit Yabang!” Wika ni Aya.

Magkakilala sila? Ang bulungan ng mga pulis sa loob ng headquarters lahat na gulat sa dalaga.

“Yeah, we meet again. Trouble girl.” Ani James.

“Captain kilala mo siya?” Takang wika ng General.

“Hey! ikaw ba ang bagong Chief?” Tanong ni Aya

“Yeah she is a person I randomly meet in the street.” Sagot ni James. At nakatingin sa dalaga.

“Randomly? Ang yabang!” Wika ni Aya at napakuyom ang kamao.

“Aya! Come here.” Ani Eugene at inakbayan ang dalaga palayo sa binata. Dinala niya ito sa labas ng headquarters dahil tiyak mahabang bangayan pa ito.

“Paano mo naging Captain ang mayabang na yun?” Tanong ni Aya sa kapatid.

“Hey Kulit I can’t choose my leader. Isa pa tingin ko naman mabait ang lalaking iyon. Mayabang nga lang siyang tingnan.” Wika ni Eugene at natawa. Natawa din naman si Aya sa sinabi ng kapatid.

“Kuya huwag kang magpapaander sa kanya. Okay?” aniya sa kapatid.

“Yes Ma’am” ngumiting wika ni Eugene.

“AH! Nakalimutan ko si cheif tatay. Si yabang kasi.” Ani Aya.

“Tara bumalik na tayo. Huwag ka nang manggugulo ha.” Biro ni Eugene.

“Hindi naman ako magulo.” Nakalabing wika ni Aya.

“Chief tatay!” Wika ni Aya at parang batang humawak sa braso ni Col Lopez.

“Cheif tatay?” Gulat na wika ng General.

“Ah! Si Aya ay isa sa mga batang nakatira noon sa ampunan na binibigyan ko ng donation. Kapatid niya si Eugene.” Sagot ni Col. Lopez.

“Kumusta chief.” Ani Jenny sa matanda.

“Jenny? Ikaw na ba yan?” Anito ng Makita si Jenny.

“Kumusta po. Ilang taon na rin tayong hindi nagkikita.” Ani Jenny.

“Para niyo nang reunion ito. Sayang hindi ako pwedeng magtagal may gagawin pa ako. Maiwan ko na kayo.” Anang General.

Nagpaalam na ang General at nang makaalis ito nanatili sa loob ng opisina si James habang sina Aya naman ay nakipag kwentuhan sa matandang Col.

Habang masayang nakukwentohan sina Aya, Jenny, Alice at ang Col. Biglang dumating sa headquarters si Frances.


“Nandito ba si Eugene?” Tanong nito at biglang pumasok biglang nagulat ang lahat at napatayo mula sa kinauupuan ang Makita ang sikat na super model.

“F-Frances!” manghang wika ni Alice at ng iba pang mga Pulis.

“Miss Frances, Bakit kayo napadalaw dito?” Wika ni Meggan Yeon ang nag-iisang babaeng miyembro ng task force.

“Siguro naman narinig mo Ako? I am looking for my Fiance.” Mataray na wika nito.

“Nasa meeting si Lt. Heartfelia. Hintayin mo na lang sila matapos.” Wika nito.

“Do you think I have so much time to wait? I have a busy schedule.” Anito.

“Pasensya Miss Frances. Nasa meeting pa sila.” Wika nito at pigil ang inis.

“I don’t care! Tell him that I need to talk to him.” Sigaw nito.

“Yay! Huwag kang sumigaw. Hindi ka ba nakakaintindi?” Ani Aya at nilapitan ito.

“Oh! Aya narito ka pala.” Nguniting wika ni Frances nang mapansin ang kapatid ng kasintahan.

“OO, at kanina pa, huwag mong ipakita sa mga taong rito na ang sama ng ugali mo.” Ani Aya sa super model.

“Ano?!” gulat na wika nito.

“Frances!” wika ni Eugene nang makalabas sa opisina ni James.

“Honey!” wika nito at agad na lumapit kay Eugene at yumakap dito.

“Aalis na ako.” Ani Aya at naglakad palabas sumunod naman sina Jenny at Alice

“Teka!” ani Eugene at kumalas kay Frances at sinundan ang tatlo.

“Sige na Eugene, Balikan mo na si Frances. Ako na ang bahala kay Aya.” Ani Jenny.

“Ano bang nangyari bakit galit yata si Kulit?” Tanong ni Eugene.

“Alam mo naman si Aya. Madali talagang magtampo yun. Puntahan mo na si Frances. Baka iyon naman ang galit ngayon. Ako na ang bahala kay Aya.” Natatawang wika ni Jenny.

“Salamat.” Anito at hinawakan ang balikat ni Jenny. Tumango lang si Jenny at inihatid ng tingin ang binata habang pabalik sa headquarters.

“Mukhang  nagselos yata si Bait.” Ani Col. Lopez sa binata.

“Malamang. Hanggang ngayon big brother’s little girl iyon. kaya tuloy hindi kami makapag-asawa ni Eugene.” Natatawang wika ni Julianne.

“Totoo ang sinabi mo Lt. para kay Sir Eugene pero ewan ko lang saiyo.” Pabirong wika naman ni Julius.

 “Ayusin mo ang mga files na hinihingi ko. Kailangan ko yun mamaya.” Ani Julianne sa binatas

“Yes Sir.” Anito.

“Mauuna na ako at may gagawin pa ako sa bahay” Anang Col.

“Mag-iingat kayo.” Ani Julianne.

“OO, kayo din galingan niyo.” Anito sa mga miyembro.

“Yes Sir!” sabay-sabay na wika ng mga ito at sumaludo sa matanda bago ito umalis.

Nasa loob ng opisina ni Eugene si Frances at nag hihintay. Napabuntong hininga muna si Eugene bago pumasok sa opisina.

“Frances.” Wika ni Eugene ng makasapok.

“Honey!” anito at niyakap ang binata.

“Bigla ka yatang naparito? Akala ko ba mamaya pa tayo magkikita.” Ani Eugene.

“Gusto lang naman kitang surpresahin hindi ko akalain na ako ang masusurpresa. Si Aya. Hanggang ngayon ayaw parin niya sa akin.” Ani Frances.

“Hindi totoo yan. Kailangan mo lang lambingin si Aya. Alam mo naman yun.”Ani Eugene.

“Hanggang ngayon hindi mo parin ako inaayang magpakasal.” Ani Frances.

“Di ba napag-usapan na natin yan. Marami pa akong iniisip sa kanya. Hindi ko pwedeng pabayaan si Aya.” Ani Eugene. Dati yayain na sana niyang magpakasal si Frances pero nang sabihin nito sa isa sa kondisyon nito ang humiwalay kay Aya. Hindi na niya itinuloy. Noon pa lang alam na  ni Eugene na hindi kasali sa plano ni Frances na maging kasali sa magiging pamilya nila si Aya.

“Si Aya naman? Malaki na si Aya hindi na niya kailangan ng kuya para alagaan siya.” Ani Frances.

“Let us stop this conversation here. Pag-aawayan lang natin to.” Ani Eugene. “Kumain na lang tayo sa labas.” Ani Eugene. “Wait for me. Magpapaalam lang ako.” Ani Eugene at lumabas sa silid.

“Ano? Nag-aaway na naman kayo?” Tanong ni Julianne.

“You know her.” Simpleng sabi ni Eugene at naglakad patungo sa opisina ni James

“He is not there.” Habol ni Julianne. “Kakaalis lang niya. Mukhang pupuntahin niya ang mga eskwelahan ng mga kinidnap.” Ani Julianne “Hindi ko alam kung dedikasyon ba ito o nagpapabilib lang.” Ani Julianne.

“Tama ka na nga” ani Eugene at nilampasan lang ang kaibigan.

A

ng nagtatampo paring si Aya ay hindi dumiretso sa pag-uwi. Nagpunta siya sa isang mall at naglibot kasama si Alice.

“Aya bakit ba parang ayaw mo sa fiancé ng kuya mo?” Tanong ni Alice.

“Really, you think so?” ani Aya na nakatuon ang pansin sa mga taong nakasakay sa Excelator.

“Maganda si Frances. Siguro mukha lang siya maldita dahil sikat siya puro siguro mabait naman yun. Isa pa bagay sila ng kuya mo.” Ani Alice.

“I don’t know.” Simpleng wika ni Aya.  Bigla siyang natigilan ng napansin na sa mga taong nakasakay sa escalator may isang babaeng nakauniporme. Pero bakit may dugo ang uniporme nito? Napaiktad siya ng napansin na nakatingin din ito sa kanya.  Bigla niyang inilayo ang tingin dahil sa takot.

“Bakit Aya?” Tanong ni Alice na mapansin na namumutla ang mukha ng kaibigan.

“Tayo na!” Ani Aya at naunang tumayo mula sa kinauupuan.

“Teka bakit ka nagmamadali?” habol ni Alice. At sinundan ang kaibigan. Hindi alam ni Aya kung ano ang nakita niya pero nakaukit na sa isip niya ang mukha ng babae. Kagaya rin kaya ito ng batang nakita niya noong maliit pa siya. Bukod sa mga death angels. Alam niyang nakakakita din siya ng mga ispiritu. Bagay na ikinatatakot niya. Bakit siya sa lahat ng tao sa mundo.

Dumiretso na sa pag-uwi si Aya at nagkulong sa kwarto. Nakatulugan nalang niya ang labis na takot. Ni hindi na siya nakasalo sa hapunan.

“Aw!” biglang nagising si Aya dahil sa pananakit na tiyan niya simula kaninang tanghalian hindi pa siya kumain. Nang tumingin siya sa orasan hating gabi na.

“Ano ba yan. Napa sarap yata ang tulog ko.” Ani Aya at tumayo sa kama at inayos ang buhok saka naghilamos at ng palit ng damit sout parin niya ang damit na sout niya kanina. Nakalimutan na niyang magpalit ng damit.

Naisipan niyang lumbas at pumunta sa kusina para kumain. Tiyak tulog na ngayon ang kuya niya at si Julianne.

Ano kayang nangyari sa dinner nila? Tanong ni Aya sa sarili.

Paglabas ni Aya madalim na boung sala. Mukhang siya na lang ang gising. Dahan-dahan siyang nalakad patungo sa kusina.

“Bakit ngayon ka lang lumabas?” biglang wika ng isang boses mula sa kadilam ng paligid napaimpit ng tili si Aya dahil sa gulat.

Biglang bumukas ang ilaw. Nakita niya ang kuya niya na nakaupo sa sala at may hawak na bote ng beer. Bukod doon may tatlo pa na walang laman na nasa mesa.

“Kuya?!” gulat na wika ni Aya. “Umiinom ka?” ani Aya at lumapit sa kapatid.

“Hindi ako makatulog dahil nagtatampo ka parin sa kin.” Anito.

“Ano? Ano bang nagtatampo?” wika ni Aya. Bigla siyang napangiti ng tumunog ang tiyan niya. Napahalampak naman ng tawa si Eugene dahil sa narining.

“Mukhang kailangan mo nang pakainin ang mga combra mo sa tiyan.” Ani Eugene at tumayo.

“Paano hindi pa ako nananghalian nakalimutan ko ring maghapunan dahil sa antok.” Ani Aya at sinundan ang kapatid patungo sa kusina. Naupo siya sa mesa habang ang kuya naman niya ang naghain ng makakakin niya.

“Kumain kana.” Ani Eugene matapos ilapag ang ininit na ulam.

“Salamat.” Ani Aya at nagsimulang kumain.

“Oh, anong ginagawa niyo dito?” Ani Julianne na kakagising lang.

“Kumakain.” Wika ni Aya.

“Ah! Siguro nagutom ka dahil sa kunwaring tampo. Tsk parang bata.” Ani Julianne at ipinatong ang kamay sa ulo si Aya bugo dumiretso sa Ref.

“Matulog ka na nga lang.” Inis na wika ni Aya.

“Sorry nagugutom ako. Kaya kakain ako.” Ani nito at tumabi kay Aya.

“Masibang kumain pero hindi naman tumataba.” Palabing wika ni Aya.

“Kasi nag gi-gym ako. Ang kinakain ko nagiging muscle. Ano  nalang ang sasabihin ng mga fans ko kung nakita nila na isang tabachoy ang hunk na police officer.” Pabirong wika nito.

“Ewan kausapin mo ang hangin.” Ani ni Aya at bumaling sa kapatid. “Kuya hindi mo ba tinatanong ang sarili mo kung bakit mo naging kaibigan ang tulad nito?” Tanong ni Aya. Natawa lang si Eugene sa kapatid. Kahit na matagal na silang magkakasama hindi parin talaga niya nakikita si Julianne at Aya na nag-usap ng tahimik parating nagbabangayan.

“Hindi na tinatanong yan. Ito tinatawag na destiny.” Ani Julianne.

“Ewan!” pairap na wika ni Aya. Napatawa naman ng malakas si Julianne sa reaksyon ng dalaga. Bakit ba talagang nag-eenjoy siya na kinukulit ang dalaga. Gusto niya na tuwing makikita niya ng  dalaga parati itong nakangiti.

“Asar oh,!” habol ni Julianne sa dalaga.

“Ewan ko saiyo. Wala kang kwentang kausap.” Wika ni Aya dito.

“Tama na yang pang-aasar mo Julianne baga mapikon lalo si Aya.” Natawang wika ni Eugene.

© 2016 박신혜


Author's Note

박신혜
I am still a beginner and I may have some grammar lapses and all. Please ignore. : )

My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

250 Views
Added on April 4, 2016
Last Updated on April 4, 2016
Tags: Chapter 2 and 3