Mahalin mo ako

Mahalin mo ako

A Poem by LCS.Aster
"

A Spoken Word-Poetry about being Friendzoned

"
Nung araw bago ang kahapon, nakakita ako ng kuneho. Usa. Ngayon, Ikaw. Bakit ba ikaw?

Sa pitong bilyong tao sa mundo. Bakit ikaw? Ikaw na hindi ko alam kung may pake ba sa akin dahil may pake ako sa'yo at sa mga kilos mo o ikaw na may pake sa akin kasi wala lang? Wala lang?

Oo nga pala kasi sabi mo kaibigan lang. Hanggang kaibigan lang. Pero di naman yun yung dahilan kung bakit ako nagsasalita sa harap. Ang tunay na dahilan ko ay ikaw.

Nung araw bago ang kahapon, nakakita ka ng kuneho. kahapon, usa. ngayon, ako. Ako? di ba pwedeng ako na lang? Kung saan saan ka kasi tumitingin, di wari'y ako yung lingunin kasi nandun lang ako sa kahapon at sa araw bago ang kahapon. Sana ang nangyari ay binalikan ko lang ang araw bago ang kahapon kasama ang kahapon ko sa piling mo.

Pero hindi. Para tayong naglaro ng tagu taguan tas ikaw yung taya pero nakabilang ka na ng tatlo, ako yung nasa harapan mo pero iba pa din yung hinanap mo. Oo nga pala hindi nga pala ako yung inaasam mo. Hindi ako yung pinipilit mong tayain para ikaw naman ang makapagtago at ikaw naman ang hanapin. 

Tanga! kahit magtago ka pa, talagang hahanapin kita kasi sabi sa akin ng puso at utak ko na hanapin ko yung taong gusto ko. Sayang lang at yung gusto ko ay gumugusto sa iba.

Kaya't mag-iba tayo ng laro. Mataya-taya. Pero wag kang mag-alala kasi ako naman ngayon yung taya. Oo. hahabulin kita. Hahabulin kita kahit hinahabol mo yung iba. Hahabulin ko yung kahapon ko sa piling mo kahit walang tayo kasi sabi mo hanggang kaibigan lang to. Tanga ko no? Sabi nila ba't ko daw hinahabol yung maling tao. Siguro nga tama sila. Pero heto pa rin ako pinipilit mabuhay para sa pagmamahal.

Heto na nabuhayan ng loob nung nagtagpo ang ating mga mata at nakitang may espasyo pa para sa isang taong kagaya ko dyan sa puso mo. heto na nagpupumilit pumasok sa buhay mo kahit unti unting nasisira ang mga salitang nagmamakaawang makalaya na dulot sana'y sampalin ako. Mga katotohanan na hindi mo ko magugustuhan dahil aminin nating lahat na mata ang unang nabubusog at tumitibok. oh Mga daluyong na nagpupumigil sa puso kong maipahayag ang nararamdaman para sa'yo. Nakakatawang isipin na lahat ng ito'y nangyari lang ng tatlong araw kung saan araw araw sana kitang nakasama pero nung araw bago ang kahapon, nakakita tayo ng kuneho. Kahapon, Usa. Ngayon, Isa't-isa. Sana wala ng bukas pa. ayokong makita ang kinabukasan na ibang hayop na ang nakayapos sa iyo at nakatitig sa'yong mga mata.

oh bakit? bakit ba kasi ikaw? Ikaw na mabait, matapang pero sira. Sira at patuloy na sinisira ng mapanirang buhay na walang ginawa kung hindi sumira ng pagkabuhay ng mga ayos at sirang tao. Simula pa lang naman ay nasabi ko na ang mga hinanaing ng mga labi ko.

Gawin mo akong alipin ng pag-ibig mo. handa akong ibigin ang isang tulad mo. basta ba ang puso mo'y sa akin lang. Hindi ka malilinlang. ikaw ang ilaw sa daan ko ngunit sabi mo "mundo'y hindi ako". Mahalin mo din ako. Para lang ako'y mabuhay. Mabuhay sa hindi permanenteng kinalalagyan. Hindi alam kung saan lulugar, sa piling ba niya o ako lang nag-iisip nun? sa piling ko ba o sa piling ng iba. Sana sinabi mo. Sana sinabi mo na hindi to permanente. Hindi ka nangako, hindi ka nakampante.

Pero hiling ko din na sana hindi mo sinabi...

Hindi ka nagbitaw ng mga salitang normal lang sa'yo pero dinamdam ko. Mga salitang ibig iparating ay hanggang kaibigan lang talaga ito. Sana hindi. wag mong aminin. Ayaw makasakit pero di naiwasang maungkat ang ugat ng mga sugat. Mga panahong hindi ako hinabol. hindi ako hinanap. hindi ako pinili. Tangina lahat naman ng tao ganyan. Ipaparamdam sa'yo na kapili pili ka pero dadating yung oras na ibabalibag ka pailalim dahil may mas kapili pili sa'yo. Nahihiya lang silang sabihin ito. Kaya't Yayakapin ko pa rin ang kahapon ko sa piling mo. hindi ko hahayaang mawala ito dahil kasabay ng pagkawala mo ay pagkawala ko at ng mga salitang wala ng tyansang mabuhay at masabi. kasabay ko ring mawawala ang damdaming mamamatay dahil sa nakakapagod na paglalaro ng habulan sa ulan kung saan hinugasan ang ating tuyong puso at binasa ng mabigat na tubig ngunit matapos bumagsak ay sasama ang init ng pagmamahal sa tubig-ulan at tatangayin sa kung saan.

Kaya't mahalin mo ako hindi dahil napilitan ka ngunit dahil ako yung nasa tabi mo nung araw na nakakita ka ng Kuneho at Usa. Hindi ka lang talaga sa akin nakatingin dahil kung nasa akin lang ang atensyon mo, kahit gaano ka pa bumalik sa kahapon at tumalon sa kinabukasan,  nasa tabi mo ako at di kita lalayasan. Wag mo lang hintayin sa puntong mabibigkas ko ang mga salitang "Mahalin mo na siya. Wag na ako."

© 2021 LCS.Aster


Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

52 Views
Added on November 23, 2021
Last Updated on November 23, 2021

Author

LCS.Aster
LCS.Aster

Quezon City, NCR, Philippines



About
Writing for the things that I love. more..

Writing
Love me Do Love me Do

A Poem by LCS.Aster