![]() Luha ng KahaponA Poem by Maribeth Cabrera
Minsan sa buhay ko'y aking naranasan
Kung pano' magmahal, kung pano' masaktan Sa lamig ng hangin aking naramdaman Pag-iisang di ko sadyang inasahan. Habang pumapatak ang ulan sa lupa Kasabay ng lungkot puso'ng lumuluha Sa puso'y may kirot na di' maiwaglit Na sa pakiwari'y alipin ng sakit. Sa bawat paghampas ng alon sa dagat Ibong umaawit, nais makalipad Bakas sa buhangin tila nagbabadya Kahapong pag-ibig, ngayo'y limutin na. Anumang pangako ang ating narinig Huwag pakaasang ito'y magbabalik Darating ang araw iyong maiisip Puso'ng dati'y bigo, puno ng hinagpis. Ikaw ma'y lumuha kasabay ng langit Huwag mag-alala damdaming tinikis Sapagkat may bukas kaybigang matalik Luha ng kahapon, di na magbabalik. © 2019 Maribeth Cabrera |
Stats
64 Views
Added on March 19, 2019 Last Updated on March 19, 2019 |