Luha ng Kahapon

Luha ng Kahapon

A Poem by Maribeth Cabrera

Minsan sa buhay ko'y aking naranasan
Kung pano' magmahal, kung pano' masaktan
Sa lamig ng hangin aking naramdaman
Pag-iisang di ko sadyang inasahan.

Habang pumapatak ang ulan sa lupa
Kasabay ng lungkot puso'ng lumuluha
Sa puso'y may kirot na di' maiwaglit
Na sa pakiwari'y alipin ng sakit.

Sa bawat paghampas ng alon sa dagat
Ibong umaawit, nais makalipad
Bakas sa buhangin tila nagbabadya
Kahapong pag-ibig, ngayo'y limutin na.

Anumang pangako ang ating narinig
Huwag pakaasang ito'y magbabalik
Darating ang araw iyong maiisip
Puso'ng dati'y bigo, puno ng hinagpis.

Ikaw ma'y lumuha kasabay ng langit
Huwag mag-alala damdaming tinikis
Sapagkat may bukas kaybigang matalik
Luha ng kahapon, di na magbabalik.

© 2019 Maribeth Cabrera


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

55 Views
Added on March 19, 2019
Last Updated on March 19, 2019

Author

Maribeth Cabrera
Maribeth Cabrera

Philippines