Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5
Ewan Ko

Ewan Ko

A Poem by sunflowerpalette

Pagod na ako kakahintay kung sasagot ka o hindi
Pagod na ako kakaisip kung bakit hanggang ngayon wala pa rin
Pagod na ko kakarinig ng mga salitang hindi naman totoo
Pagod na ko kakahintay na lang palagi sa'yo


Para akong nakaupo sa Bus Station
kahit alam kong hindi ko alam kung saan ako pupunta
Para akong naghihintay sa ulan
kahit alam kong tagtuyot


Hindi mo alam kung gaano ako naiinis sa sarili ko
Wala kang alam sa nararamdaman ko
Akala mo kasi ako yung tipong palaging naglalaro
Akala mo kasi hindi talaga kita gusto


Palagi ka namang akala
pero kahit kailan, wala kang isang salita
Nung sinabi mong gusto mo ko
Hindi ako naniwala


Sino ba namang maniniwala sa text?
Walang na ngang effort, hindi mo pa alam kung totoo
Malay ko ba kung niloloko mo lang ako
Palagi namang ganun eh


Sa ngayon gusto mo ko
kasi lagi mo akong kausap
Pero para kang si G-----
na pagkatapos ng isang linggo, iiwan mo rin kaagad ako


Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko
Kung okay ka lang o kung masaya ka na iniwan mo na ko
Hindi ko alam kung bakit kailangan pagaksayahan ng oras
Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganto?


Lagi na lang iiyak
Lagi na lang maghihintay
Lagi na lang magiisip
Lagi na lang, lagi na lang

© 2015 sunflowerpalette


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

88 Views
Added on May 2, 2015
Last Updated on May 2, 2015

Author

sunflowerpalette
sunflowerpalette

Philippines



About
I read, write, discover more..

Writing