George Harrison

George Harrison

A Poem by sunflowerpalette

Sorry kung hindi ko sinabi ang totoo

sobrang natatakot lang ako
Hindi ko kasi alam kung anong pipiliin ko
yung pagkakaibigan ba natin o yung nararamdaman ko sayo


Hindi ako manhid
at alam kong napapansin mo rin
Sa mga pangaasar at palaging tawanan
hindi ko naisip kung kailan ko sasabihin ito


Hinanap kita ng sobrang tagal
ikaw yung naalala ko pero hindi ko makilala
Ni kumpletong pangalan
nakalimutan ko na


Gusto ko na sabihin
kung tatahimik ka lang at papakinggan mo ko
pero nauunahan ako ng kaba
at mga salita na nasa isip ko, unti-unting nawawala


Naisip ko na rin dati
na baka hindi tayo para sa isa't-isa
at ang paghawak mo sa kamay ko
ay isa na lang alaala


Nung sinabi mong aalis ka
gusto ko na rin talagang sabihin
pero alam kong hindi pa ako handa
at ang sumunod na nangyari ay ang araw na ayoko nang balikan pa


Habang tumatagal, mas lalo lang akong hindi makahinga
Nung tinawagan mo ko at narinig ko ang boses mo
Mas lalo lang akong nasaktan kakaisip kung bakit laging ganto
ayokong ipahalata, pero sobrang nasasaktan na ako


Ayokong umiyak kasi ano nga bang karapatan ko
Ayokong magalit kasi kaibigan mo lang naman ako
at sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras
para sabihin kung ano talagang nararamdaman ko

© 2015 sunflowerpalette


Author's Note

sunflowerpalette
This wasn't about George Harrison from The Beatles.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

103 Views
Added on May 2, 2015
Last Updated on May 2, 2015

Author

sunflowerpalette
sunflowerpalette

Philippines



About
I read, write, discover more..

Writing