PROLOGUE

PROLOGUE

A Chapter by Yana

"I hire you as a maid in my house so that you'll clean all the mess!"

Umirap lang ako habang pinapakinggan 'yung bunganga ni Sir Damiane. Nagalit kasi siya dahil 'yung balat ng saging na kinain ko kanina ay naiwan ko sa sala. Lilinisin ko naman, e! 'Kala niya siguro sinadya ko na iwan 'yung balat na 'yun do'n. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siya na napapahilot na lang sa sentido.

Nag make face na lang ako at pinagpatuloy ko 'yung pagwawalis. Winalisan ko 'yung malaking bahay niya at pinunasan 'yung lamesa, bintana, etc. Bakit ba naman kasi ang laki ng bahay niya, e! Ang dami ko tuloy na lilinisin.

"I have a meeting today. So, make sure the house is clean before you leave." Seryosong sabi niya bago niya suotin 'yung coat na nakasabit sa coat rack. Bago pa man siya lumabas ng pinto, tinitigan niya 'ko, seryoso ang mga mata niya. "Goodbye." Sabay sara ng pinto.

"Hay!" Malakas kong ani at parang pagod na pagod na umupo sa malambot na sofa. "Bakit ba kasi sa dinami daming card na kukunin ko, 'yung pinakamahirap pa nakuha ko! Tuloy, andito ako sa magarang bahay ng mayabang na 'yun!" Umirap ako at humiga na lang.

Kinuha ko 'yung phone na nasa bulsa ko at tinignan ang oras. Maaga pa naman bago 'yung trabaho ko do'n sa convenience store. May pasok pa ako bukas, tapos after ng class ko, kailangan ko pang pumunta dito at after ko dito ay sa convenience store naman ang pupuntahan ko.

"ARGH!" Para akong kiti-kiti sa sobrang gaslaw ko. "Nakakainis ka talaga, Elias!" Sigaw ko at pumikit na lang.

Plano ko na sanang tumayo para ipagpatuloy 'yung ginagawa ko pero hindi ko na namalayan na nakatulog na ako dahil na din sa sobrang pagod ko ngayong araw. Nagising na lang ako nung makarinig ako ng kalabog. Agad akong napaupo at inikot ang paningin sa buong bahay.

Pinulot ko 'yung walis at dahan dahan na tumayo. Pero laking gulat ko nung makita ko si Sir Damiane na may kahalikang babae at do'n pa talaga sila sa pinto ng halikan! Dahil na din siguro sa hindi ko inaasahan ang nakita ko, napatili na lang ako.

"My innocent eyes!" Sigaw ko, nakatakip sa mga mata ko ang kamay ko. "Grabe! D'yan pa talaga kayo at hindi na lang sa hotel!"

"O, my God!" Nagulat na tili ng babae, dahilan nang matulak niya si Sir. "Damiane, who is she!? You have a girl na and yet you want to make out with me!?"

Napatakip na lang ako sa tainga ko dahil sa nakakatinis na boses ng maarteng babae na 'yun. 

"She's just my maid," paliwanag ni Sir Damiane at pinalupot na muli ang kamay sa bewang nung babae. "Just don't mind her. She's about to leave."

"Kaya nga," umirap ako. "Pero bago muna ako lumabas, 'yung bayad ko muna." Tinaasan ko si Sir Damiane ng kilay.

Umirap siya at lumaki naman ang ngiti ko nung kuhanin niya 'yung wallet niya na at kumuha ng tatlong libo. Sa sobrang saya ko ay naihagis ko 'yung walis na hawak ko at tumakbo palapit sa kaniya. Nakita ko na napalayo pa sa'kin 'yung babaeng kahalikan niya pero wala akong paki sa kaniya. 

"Bye!" Binuksan ko 'yung pinto at naglakad na paalis.

"Hey! 'Yung walis na hinagis mo!" Pahabol nung maarteng babae pero hindi ko na siya pinansin pa.

"1 month... Mabilis lang 'yan. Kaya ko 'yan tiisin." Parang akong bubuyog dahil kakabulong ko. "Pagtapos ng 1 month, aalis na din ako bilang katulong. Hindi ko na kailangan pa magpanggap na tapos na mag aral."

The game that my boyfriend and I play called Game of Regret is the reason that I become a maid to that arrogant rich boy's house! Hindi madali ang pagiging katulong lalo na 'yung amo kasing sama ng kulto ng demonyo. 

Hinayupak na lalaking 'yan.

Isang buwan lang 'yan, kayang kaya ko tiisin na makasama sa kalahating araw 'yung pangit na 'yun! Basta 'pag pera ang usapan, kaya ko. Mahirap man 'yan, kakayanin ko. Pagdating sa pera, kaya kong gawin ang lahat.

If the other is possessed by love. 

Then I'm possessed by money.

Apply to be a maid in a rich household and if you're asked, answer their questions with lies.



© 2021 Yana


Author's Note

Yana
This is a Tagalog story. Again, if you want to read the next chapter, follow my Wattpad account!

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

33 Views
Added on August 13, 2021
Last Updated on August 15, 2021


Author

Yana
Yana

Quezon City, NCR, Philippines



About
I'm a writer from Wattpad! This is the second website where I will publish my own story. Wattpad: @xyanz_ Email: [email protected] more..

Writing
CHAPTER 1 CHAPTER 1

A Chapter by Yana


CHAPTER 2 CHAPTER 2

A Chapter by Yana


Game of Regret Game of Regret

A Book by Yana