Ang Monaynay

Ang Monaynay

A Chapter by jepoycru

Prologue
Umagang-umaga, galit nanaman ang nanay ni Leyned.

"Ang aga-aga ang kalat-kalat ng bahay, hindi man lang kayo magkusa." Galit na sabi ng nanay ni Leyned.

Bakasyon ng mga oras na iyon. Tanghali, napagpasyahan ni Leyned na pumunta kay Larry."

Ma, punta lang ako kay Larry. Gagawa kami ng project."

"Anong project ? Hindi ba't bakasyon ngayon ? Baliw kaba ?" Galit na sabi ng mama ni Leyned.

"Ma,diba SK representative ako, may project kami na gagawin para sa ikabubuti ng bayan."
Sabi nito.

"O Sige, umalis kana. Magpalibre ka na lang sa kasama mo ng pamasahe." Sabi ng nanay ni Leyned.

Tuwing may pupuntahan sila Larry at Leyn, lagi nalang si Larry ang gumagastos, palibhasa, lagi nalang nag susugal ang nanay ni Leyn. Nang makarating si Leyned sa kanilang pagkikitaan ni Larry ay agad niya itong sinigawan habang lumalapit.

"Hoy!! Larry!! Ano na ? Laro ba tayo ngayon ?" Sabi ni Leyn.

"Sorry Leyn, di muna ako pwede eh. Nagagalit na si Garli eh." Sabi ni Larry.

"Ano?! Hiwalayan mo na kase, naa-under ka na dun eh, ampanget naman." Galit na sabi ni Leyn.

"Hoy Leyn, porket kaibigan kita gaganyanin mo na girlfriend ko, tandaan mo boyfriend nya ko. Bwiset." Napuno na si Larry kay Leyn, lagi kasi nitong sinasabihan na panget si Garli. Dahil sa pagka bwiset, iniwan na nya si Leyn mag-isa.

Habang naglalakad si Larry ay hindi niya maiwasang maisip ang pangungutniya ni Leyned sa kaniyang kasintahan na si Garli. Dahil sa malalim ang iniisip ni Larry ay aksidente niyang nakabangga ang isang lalaki na mukhang labinlimang taong gulang o ka-edad niya.

“Sorry.” Bulong ni Larry dito.

Hindi pinansin ng lalaki si Larry at muling nagpatuloy sa paglalakad ang binata. Bigla niyang naalala ang matalik na kaibigan niyang si John na kasalukuyang nagbabakasyon sa kanilang probinsya. Napagplanuhan nina Larry at John na gumala na walang kasamang iba ngunit hindi pa ito pinapayagan ni Garli. Nagsisimula pa lang ng bakasyon at marami pang mangyayari na bagay.
*
SA kabilang banda ay nag-uusap ang mga magkakaibigang sina Richy, Harry, Jim at Tristan. Sila ay kasalukuyang nasa hindi tukoy na lugar. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Richy.

“Harry, tungkol sa kapatid mo. Mas mabuti kung lagi mo siyang sasabayan pauwi.” Sabi nito habang hinahalo ang kaniyang inumin. Sasagot na sana si Harry nang muling nagsalita si Richy. Si Harry ay katamtaman lang ang laki at katawan. May kaputian ito, maitutulad ito sa isang heartthrob ng eskwelahan, ngunit may hindi magandang ugali.

“At ilayo mo siya kay Ivan Ricafort as possible, mahirap na.” Dagdag pa nito.

“Oo, basta wag niyo lang siyang sasaktan. Okay?” Pakiusap ni Harry. Tumango lang si Richy dito.

“And isa pang dahilan kaya ko kayo pinapunta dito is…. Any guess?” Tanong nito sa kaniyang mga kasama.

“Mapopromote nako?” Hula ni Jim dito. Si Jim ay may katangakaran at 18 taong gulang na. May kaputian ito at tama lang ang hulma ng kaniyan katawan.

“Pwede, pero hindi muna ngayon, Jim.” Sagot ni Richy dito.

“Kaya ko kayo pinapunta dito ay dahil kay Leyned. Hindi siya masyadong umaattend ng SSG meeting. And sabi ni Bella, kasama lagi ni Leyned si Angel.” Sabi nito.
“Ano namanng meron kay Angel?” Tanong ni Tristan. Halos magkasing laki lang din sila ni Jim, ngunit mas payat ng onti si Tristan dito.

“Remember, gender confused si Leyned. It’s either magjowa sila or nagpapamake-up siya kay Angel.”
Sagot nito.

Napatingin lang ang kaniyang mga kasama. Nang walang nagsalita ay bigla itong tumayo at nagpaalam sa mga kasama.

“May gagawin pako, magkita-kita na lang sa tayo pasukan.” Sabi nito sabay lakad paalis.


© 2020 jepoycru


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

46 Views
Added on March 11, 2020
Last Updated on March 11, 2020
Tags: Ang Monaynay, Black Bible, Jepoy Cruz, PlayTernity, Monaynay, Floorwax


Author

jepoycru
jepoycru

Quezon City, National Capital Region, Philippines



About
I love writing mysterious story. more..

Writing



Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5