Kabanata 3: Larry Lopez

Kabanata 3: Larry Lopez

A Chapter by jepoycru

"Larry??"

"Oh nandiyan kana pala, tara pasok ka." Sabi ni Larry kay John na pawisan.

" Hay, kakaligo ko lang naiinitan na agad ako. Teka ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ni John habang tinitgnan ang loob ng bahay nila Larry.

" Ah oo, umalis sila mama eh. Kakaalis nga lang." Sagot ni Larry. Hindi na nakapag salita si John dahil hingal na hingal na ito.

Umupo si John dahil sa pagod na pahod ito. Dinudukot nya ang wallet nya dahil nandun ang kanyang ID na may nakaipit na ePoints na ibibigay nya kay Larry. Ngunit wala itong nakapa.

Kinabahan siya dahil nandoon rin ang pera niya. Inutusan nya si Larry na tignan kung nahulog ba ito sa labas. Ngunit bigo si Larry na makita ang wallet. Halos kabahan si John dahil ipangbibiili niya ito dream shoes nya.

"Hayaan mo na yun John, pag nagpadala si papa bibilhan kita ng sapatos. OK ?" Sabi ni Larry.

Tumango si John, kumalma na siya dahil nagpapadala ang papa ni Larry ng malaking pera kada buwan. Pero naalala ni John na patay na pala ang tatay ni Larry noong nakaraang buwan pa.

Binatukan niya ito ng malakas at lumabas na ng bahay.

"Hoy teka San ka pupunta?" Galit na tanong ni Larry.

"Hahanapin ko yung wallet ko. Baka naiwan yun sa Jeep." Malungkot na sabi ni John.

"Ano? Baliw kaba? Hihintayin mo yung jeep? Teka sasamahan kita." Sabi ni Larry. Tumuloy na sila.

Umaasa si John na maibabalik ang wallet nya dahil nandito ang pera niya at ang ePoints na ireregalo niya kay Larry. Nasa labas sila John at Larry, si John ay nawawalan na ng pag-asa na mahahanap pa ang kaniyang wallet na may laman na Php2000. Si Larry naman ay walang magawa dahil wala rin itong maitutulong. Matagal din niyang pinag-ipunan ang pera na ito kaya naman ganun siya kalungkot. Ngunit alam naman natin na makakamove-on din ang binata dito. Bumalik ang dalawa sa bahay ni Larry. Kumain na lamang sila at nakinig ng musika na talaga namang tumutugma sa kalagayan ni John ngayon.


© 2020 jepoycru


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

18 Views
Added on March 11, 2020
Last Updated on March 11, 2020
Tags: Ang Monaynay, Black Bible, Jepoy Cruz, PlayTernity, Monaynay, Floorwax


Author

jepoycru
jepoycru

Quezon City, National Capital Region, Philippines



About
I love writing mysterious story. more..

Writing
Ang Monaynay Ang Monaynay

A Chapter by jepoycru