Chapter 8: First day of work with Ella (Part 2)

Chapter 8: First day of work with Ella (Part 2)

A Chapter by rielovella
"

continuation of chapter 7

"

Pagkalipas uli ng ilang oras, nagtatrabaho pa rin si Ella habang nasa couch si Chun at nakatulog.

“Totoo ba ito?” sabi ni Chun sa kanyang sarili habang nakikita niya ng kanyang sarili noong bata pa siya kasama ang kanyang ina.

“Sige pa, kain ka pa Chunnie…” ngiti ng nanay ni Chun habang hawak ang kutsara.

(A/N: I just can’t think of any nicknames that her mom can call him so I used Chunnie.)

Bago niya sinubo ang pagkain ay nag-beautiful eyes siya sa kanyang ina.

“Wow! Pa-cute naman ang anak ko.” Inilagay niya ang hawak niyang kutsara sa plato at niyakap ang maliit na Chun.

“I love you.” Sabi ng kanyang ina habang niyayakap ang maliit na Chun.

“I lah you…”

(A/N: Of course, baby doesn’t talk straight. In this scene, Chunnie can’t say the letter v or b so it’s lah.)

Nung nakita ito ni Chun ay sinubukan niya na lapitan ang kanyang

     46

ina at ang maliit na Chun pero bigla itong naglaho.

“Ma? Ma?!” sigaw ni Chun habang hinahanap niya ang kanyang ina.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

May kumatok sa pintuan ng office ni Ella.

“Can I enter?”

Na-recognize ni Ella ang boses at si Mr. Chen iyon.

“Sige Dad.” sagot ni Ella.

Unti-unti binuksan ni Mr. Chen ang pintuan at nakita niya si Ella ay nakaupo sa kanyang upuan at si Chun naman ay tulog sa couch. Biglang nahiya si Ella sa kanyang Daddy noong nakita niya na tulog si Chun sa couch at mukhang mahimbing sa pagkakatulog si Chun.

“Ay sorry Dad.” agad na lumapit si Ella kay Chun. “Gigisingin ko na lang po siya.”

“Hindi, ok lang. Siguro hindi siya sanay na ganito ang trabaho niya.” Nakangiti na sinabi ni Mr. Chen.

Habang na-uusap si Ella at Mr. Chen ay biglang nagsasalita si Chun sa kanyang tulog.

“Ma? Ma?!” Sigaw ni Chun.

Nagtaka si Ella at Mr. Chen kung bakit biglang nagsasalita si Chun kahit tulog kaya sinubukan niyang gisingin si Chun. Tinatapik-tapik ni Mr. Chen ang likod ni Chun.

“Mr. Chun?” sabi ni Mr. Chen na sinusubukan niyang gisingin si Chun.

Sa ikatlong beses na tapik kay Chun ay nagising na siya.

     47

“Ma!” idinilat niya ang mata niya at nakita niya na nasa harap niya si Mr. Chen at nakatingin si Ella sa kanya na parang na-weirduhan sa kanya. “Aaah!” napasigaw si Chun.

Tumayo kaagad si Chun at yumuko siya para humingi ng tawad kay Mr. Chen.

“Sorry sir at nakatulog po ako.” Sabi niya habang nakayuko pa rin.

Lumapit si Mr. Chen sa kanya at itinayo si Chun mula sa pagkakayuko.

“OK lang yun.” Sabi ni Mr. Chen

Tumingin si Ella sa kanyang Baby G watch. “Dad?”

Napalingon si Mr. Chen sa kanya at tinanong kung bakit.

“We have to go now Dad.”

“O sige at kailangan mo na ring magpahinga Ella at si Mr. Chun.” Sabi ni Mr. Chen.

Lalong nahiya si Chun at binanggit ni Mr. Chen na kailangan niya na magpahinga.

“Sorry po talaga sir. Hindi na po mauulit.” Yumuko siya uli.

“Aasahan ko iyan.” ngiti ni Mr. Chen.

“O sige Dad.” lumapit si Ella kay Mr. Chen at kiniss niya sa pisngi ang kanyang ina.

“Bye Dad.” kumaway si Ella sa kanyang Daddy.

“Bye sir.” Nagpaalam din si Chun kay Mr. Chen at pagkatapos ay sabay na lumabas si Chun at Ella.

     48

Habang naglalakad sila papunta sa elevator ay may sinabi siya kay Chun.

“Chun, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kanina.”

“Sorry po talaga Ma’am.” Humingi siya ng tawad sa kanyang boss. “Hindi na po mauulit.”

Pagkapasok nila sa elevator ay may biglang naisip si Ella.

“Alam ko na kung paano ka mapapanatiling gising kung man magtatrabaho ako uli.” sabi ni Ella.

Natahimik si Chun at sinusubukan na isipin kung ano ang plano ni Ella. Pagkalapag ng elevator sa ground floor ay lumabas agad si Ella sa building at sumusunod uli si Chun. Pagkapark ng kotse sa harap ng building ay sumakay agad si Ella sa kotse at napatingin naman si Chun sa langit. Napansin niya ang mga bituin na napakaganda ng gabing iyon.

“Ma…” sabi ni Chun sa kanyang sarili. “Musta ka na Ma? Nami-miss na kita.” napabuntong hininga siya at sumakay sa kotse.

Habang patuloy sa pag-andar ang kotse, naisip niya ang mga pagkakataon na pwede niyang makasama ang kanyang ina pero hindi man lang niya na-enjoy iyon kasama ang kanyang ina. Habang naisip niya yun ay napatingin siya sa pwesto ni Ella at nabigla siya na natutulog na pala ang kanyang boss.

Chun’s POV

Ang ganda naman ni Ma’am kapag natutulog. Ay mali pala! Maganda na siya kahit na hindi natutulog.

End of POV

     49

Napangiti si Chun sa kanyang naiisip.

Habang nasa isip ni Chun si Ella ay biglang nagpreno ang kotse at bumagsak si Ella sa binti niya. Sinubukan niyang ayusin si Ella sa pagkakatulog pero nakita niya na mahimbing sa pagkakatulog si Ella kaya hinayaan na niya.

Pagkarating sa bahay ay pinark sa harap ng bahay at bumaba si Chun. Binuhat niya si Ella ng maingat at dinala sa kwarto ng kanyang boss. Binuksan niya ang pintuan at nilagay si Ella sa kama. Pagkalagay ni Chun kay Ella sa kama ay nilagyan niya ng kumot si Ella at tinanggal ang sapatos ng kanyang boss at nilagay sa ilalim ng kama.

“Good night, Miss Ella.” Ngumiti sya habang pinatay ang ilaw. Pagka-off niya ng ilaw ay lumabas na siya at nag-stretch up.

“Grabe ang mga nangyari ngayon.” Sabi ni Chun sa kanyang sarili at pumasok sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya ay dumeretso siya sa banyo para magbihis. Hindi niya akalain na isa na siyang bodyguard ng isang anak ng mayamang businessman. Isinabit niya ang tuxedo niya sa hanger at inilagay sa rack. Pagkapalit niya ng t-shirt ay lumabas na siya sa banyo at pagkatapos ay humiga na siya sa kama at mahimbing na natulog.

 

 

 

 

 

 

     50



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

306 Views
Added on January 4, 2010
Last Updated on January 4, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella